Home Opinion Ang mga senador noon at ngayon  

Ang mga senador noon at ngayon  

2088
0
SHARE

Kung ating paghahambingin ang mga senador ngayon

at sa mga senador sa nakalipas na panahon 

mayroong pagkakaiba sa aspeto ng korapsiyon

at sa mga anomalya na ang sangkot ay senador

noong araw sa senado ang isip ay nakatuon

sa pagrerepaso ng batas nitong ating konstitusyon

2.

Noong araw ang labanan ng usapin sa senado

ay patalasan ng isip at tagisan ng talino

lahat pawang mahuhusay respetadong pulitiko

mahinahon kahit anong uri pa ng argumento

katulad ng yumaong si Benigno “Ninoy” Aquino

ni Manglapus, ni Maceda, Pelaez at Tolentino

3.

Eva Kalaw, Gil Puyat at ni Rogelio dela Rosa

Raul Rocco, Jose Diokno, at ni Jovito Salonga

Miriam Defensor Santiago, Salvador Laurel, Aytona

Leticia Ramos Shahani, at ni Lorenzo Tanada

Agapito “Butz” Aquino, Rasul, Ernesto Herrera 

ni Aquilino Pimentel at ni Teofisto Guingona

4.

Ngunit ngayon ang senado at tila nagiging pugad

nitong mga mandarambong at ng mga mandugugas

at ng mga pulitikong nagdudunungan sa batas

kahit walang nalalaman kung maka-asta ay wagas

mayrong mga nakasuhan na hindi na mahagilap

at ng mga nangangakong hindi naman tinutupad

5.

Mula nang ang senado ay mapasukan ng artista

ang talento sa pag-arte ay namana na ng iba

tila mayrong tele-serye na punong-puno ng drama

mayrong mga nag-iyakan sa malungkot na eksena

mayron ding gustong manapak tila siga kung umasta

at ang lahat ng mga  yan ay sa senado nakita

6.

Ganyan ba ang dapat maging asal ng mga senador? 

na mga oposisyon at panig sa administrasyon

bakit di nila gayahin ang mga senador noon

napanatiling malinis ang kanilang reputasyon

hindi katulad ng iba na mga senador ngayon

diumano’y marami ang sangkot sa pekeng flood control

7.

Di maganda sa ngayon ang kalagayan ng senado

sapagkat ang mayorya at minorya’y nagkakagulo

ang lahat ay nagsimula dahil kay senador Bato

dahil mayroong humadlang na siya ay maaresto

at isa pang dahilan ng kaguluhan sa plenaryo

ng mayorya at minorya ay hinggil sa liderato

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here