Home Opinion Halos lahat ng bayan sa 4th District, nilalamon na ng tubig 

Halos lahat ng bayan sa 4th District, nilalamon na ng tubig 

251
0
SHARE

1.

Ang Masantol, Macabebe, Sto. Tomas at Apalit

ang Candaba, ang Minalin, ang San Simon at San Luis 

ito ay ang walong bayang ang may sakop ay 4th district

taon-taon binabaha tuwing tag-ulan ay sasapit

ang mga residente sa aking lugar na nabanggit

sa kanilang sitwasyon ay malaon ng nagtitiis

2.

Mga mamamayan dito ay hindi na natutuwa

dahil kapag tag-ulan na’y nakararanas ng baha

ang kanilang kalagayan ay sadyang kaawa-awa

nagtitiis na lang dahil wala namang magagawa

mga bayan sa 4th district laging laman ng balita

dahil madalas tamaan ng malawakang pagbaha 

3.

Lalo na ang Macabebe at ang bayan ng Masantol

na palaging binabaha tuwing tag-ulan taon-taon 

kahit di na umuulan at maganda ang panahon

ay hindi na bumababa tubig ulan na naipon

na lalo pang pinalala ng mga pekeng flood control

kaya’t nagmistulang ghost town ang ilang barangay doon

4.

Mga pekeng flood control na diumano ay dinaya

sa bahang nararanasan ay lalo pang nagpalala

kung maayos lang sana at matibay ang pagkagawa 

disin sana’y napigilan ang malawakang pagbaha

ang mga palaisdaan ay di sana napinsala

at walang naanod na bahay sa tubig na rumagasa

5.

Bagaman halos lahat ng bayan sa’ting lalawigan

ang lubog pa hanggang ngayon dulot ng labis na ulan

ngunit ang kwatro distrito ang labis na tinamaan

dahil walang di binaha alin man sa kanyang bayan

ang San Simon kapag hindi pa tumigil ang pag-ulan

malamang ay wala na ring kalsadang madadaanan

6.

Ganoon din sa Minalin, Sto. Tomas at Candaba

Sa Apalit at San Luis baha na rin ang kalsada

kung ang plano ng pangulo ay hindi sana kinontra

bilang long term solution ay malamang ay natapos na

subalit ang iginiit desilting at pagdadraga

sa mga ilog ang nais mangyari ng kongresista 

7.

At dahil sa pangyayari inuulan ng batkos

ang kongresista dahil sa madalas na pagtiTIK-TOK 

bagama’t may natutuwa na sa kanya’y nanonood

ngunit marami rin naman yaong mga nayayamot

sabi pa nga sa komento na tila may pambabastos

marahil ang taong yan ay di pa uminom ng gamot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here