Home Opinion ‘RevGov’ na lamang ba ang tanging solusyon?

‘RevGov’ na lamang
ba ang tanging solusyon?

148
0
SHARE

ILANG tulog na lang Mayo na, at ilang
buwan na lamang din ay magpa-‘file’ na r’yan
ng kandidatura itong nagnanasang
sa ating gobyerno makapanungkulan.

At ‘reelectionist’ ang higit marami
kaysa baguhan sa karaniwang sabi
itong sa mundo ng pinaka-marumi
sa lahat na yata ng ‘game of chance’ pati.

Yan kung may eleksyon at hindi ang ‘RevGov’
na ipinangakong bago pa matapos
ang anim na taon na ipaglilingkod
ni Duterte ang siyang di manaig lubos.

Kung saan ay itong sistemang ‘Federal
Form of Government’ na ang ipaiiral
ng ating Pangulo, na inaasahang
mas makabubuti sa’ting Inangbayan.

Panahon pa lamang ng pangangampanya
ni Du30 sa pagka-pangulo, ‘yan na
at itong ‘Endo’ ang isusulong niya
kapag siya’y pinalad na maupo, di ba?

Pero hayan, partikular itong ‘Endo,’
di nabigyan kahit simpleng pag-indorso
sa Batasan hanggang sa panahong ito,
na ‘few months’ na lang ay di na siya pangulo.

Sana ay huwag namang sa ‘Endo’ matulad
ang ‘federalism’ na siya itong sukat
manguna at bigyan ng sapat na lakas
ang EGA.FED upang mabago ang lahat.

Basbas na lamang ni Pangulo ang siyang
magiging hudyat ng banal niyang pakay,
ngayong kumbaga ay ating abot-kamay
na ang naging bunga ng ipinaglaban.

Panalo na tayo kapag nagkagayon
kaya huwag mangambang ang isinusulong
nating pagpapalit sa ating dating ‘form
of government’ ay sa kawalan hahantong,
na gaya ng ‘daydream,’ pagkat ya’y ‘possible’.

Huwag matakot kundi bagkus magkaisa
tayong kay Pangulo suportahan siya
sa ‘RevGov’ na dapat ideklara na niya
ngayong ang lahat na nga’y preparado na.

Dahilan na rin sa kapag di natuloy
ang Federalismo na napapanahon,
saan sa akala ni Pangulong Digong
ang kinabukasan ng bayan ay hahantong?

Yan sa kamay pa rin nitong masisiba
at buwayang kati, dugo ang iluha
ni Juan dela Cruz kungdi masansala
nating ngayo’y buhay ang gawang masama.

Mahal na pangulo, huling baraha na
na natin ang kayo ang siyang manguna
d’yan sa tanging lunas na maasahan pa,
hangga’t may panahon at kayo’y nand’yan pa.

Sa dahilang kapag iniwan n’yong bukas
ang pinto ng langit ng mga Barabas,
gabinlid mang ginto sa ating Central Bank,
wala nang datnan ang ating mga anak!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here