Home Headlines DOH namigay ng facemask at hygiene kit sa Obando evacuees.

DOH namigay ng facemask at hygiene kit sa Obando evacuees.

113
0
SHARE
Ang pamimigay ng hygiene kit at facemask ng DOH. Photo Courtesy Obando MSWDO.
OBANDO, Bulacan — Nagtungo si Department of Health Secretary Teodoro Herbosa sa Obando National High School para bigyan ng tulong ang mga pamilyang nagsilikas dahil sa nakakasulasok na usok na nagmumula sa hindi pa rin naampat na sanitary landfill sa Navotas.
Dala ng DOH ang mga kahon ng hygiene kit na naglalaman ng timba, tubig, sabon, twalya, tooth brush, tooth paste at shampoo.
Ayon kay Herbosa, namigay din sila ng N-95 mask sa mga residente dahil ito ang advisable na gamitin para hindi pumasok sa baga ang toxins mula sa nasusunog na basurahan.
Paliwanag ni Herbosa na ang usok na nagmumula sa landfill ay may dalang toxic gases at kailangan na ang facemask na gagamitin dito ay N95.
Ayon pa kay Herbosa, magpapadala siya ng mga toxicologist para makuhanan ng blood sample ang mga residente na nandoon pa sa coastal area para malaman ang kalusugan ng mga ito.
Paliwanag niya na ang methane, sulfur, carbon dioxide at carbon monoxide ay unti-unti na naiipon bago ito makaapekto sa katawan.
Nagpapasalamat naman ang evacuees sa pagdalaw ng DOH at malaking tulong anila ang ibinigay na hygiene kit
Samantala, ayon sa Obando MSWDO, umakyat na sa 126 pamilya o 381 indibidwal ang nasa evcaution center ngayon.
Ayon kay Reygie Cabucos, MSWDO head, inaasahan nila na mas tataas pa ang bilang ng mga magsisilikas dahil tumitindi pa ang usok sa mga coastal barangay ng Obando.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here