Vic Sotto secretive sa lovelife

    279
    0
    SHARE

    Sa panayam naman ni Boy Abunda kay Vic Sotto sa Bandila, naitanong ng TV host kay Bossing ang tungkol sa pagiging mailap niya when it comes to some aspects of his life at kasama na rito ang personal life.

    “Coz I still believe in the word “privacy” despite being public. I know as a public figure, I mean, life will still go on even if I don’t talk about my lovelife.

    “Hindi naman masisira ang ekonomiya ng Pilipinas kung hindi ko sasabihin kung saan kami nag-date ni ganito, ganyan.

    “I think, people understand that. And somehow, the Filipino people respect, eh. Marespeto tayong mga tao, eh,” sabi ni Bossing.

    Ang lagi nga raw niyang isinasagot ay kung ano ang nakikita ng mga tao, ’yun na ’yun.

    “What you see is what you get. I’m not the type of a showbiz person who would go on talking and talking just for the sake of promoting a movie. I’d rather promote something na dahil sa merits nung produkto,” he said.

    Hindi raw niya tipo ’yung magpo-promote ng pelikula na ang pinag-uusapan ay ang kanyang personal life na wala namang kinalaman sa pelikula.

    When asked kung ano ang sikreto niya at tila hindi siya tumatanda, ani Vic ay baka raw dahil sa clean living siya.

    “And I think it’s the lifestyle. I’m not a happy go lucky person but definitely I’m not a worrier. I only worry when there’s a reason to be worried about, but more often than not, I’m just cool…chill,” say pa ni Bossing.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here