Kris Aquino to enter Philippine politics

    244
    0
    SHARE

    Sa panayam ni Kris Aquino sa The Buzz last Sunday, sinabi niyang open naman siya sa posibilidad ng pagpasok sa pulitika pero aniya, may kondisyon siya para sa kanyang sarili.

    “Yes, it’s obviously a career path, but I’ll only get into it if I know, Boy, that I’ll be number one,” sabi niya sa host at kaibigang si Boy Abunda.

    Dagdag pa ng Queen of All Media, nakakahiya naman daw kasi kung hindi siya magna-no. 1.

    Pangalawa niyang kondisyon, kailangan daw na maging selfless na siya talaga at hindi na maluho.  Kung pagiging politiko lang alone ay kaya naman daw niya.

    “Kasi kaya ko naman talaga ‘yung pakikitungo sa tao, pakikisama. ’Yung sipag, I have that. I don’t have the simplicity yet. And I think to be a really good public servant, you need to be simple,” she said.

    Well, hindi naman lingid sa publiko talaga ang maluhong lifestyle ni Kris lalo pa nga’t pinanganak naman siyang heredera talaga at bukod pa rito, alam din natin kung gaano kalaki ang kinikita niya bilang artista. In fact, she’s one of our highest paid celebrity endorsers.

    But come to think of it, kailangan din naman ng bansa natin ang pagkasosyal ni Kris in some other ways.

    Knowing her, for sure ay hindi niya gugustuhing matalbugan tayo ng ibang bansa kaya may feeling kaming kapag nabigyan siya ng posisyon, ang una niyang gagawin ay pagandahin ang ating bansa, ayusin ang mga pangit na kalye, pangit na airport at gawing high-tech ang ’Pinas.

    Just the thought na may isa tayong Kris Aquino sa politics, parang ang saya, ’di ba?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here