Home Headlines P6.8-M shabu nasamsam: 2 Chinese, 1 Pinay arestado

P6.8-M shabu nasamsam: 2 Chinese, 1 Pinay arestado

1465
0
SHARE

Ang mga naarestong suspects sa ginawang anti-drug operation ng PDEA at Bulacan PNP. Photo courtesy of Bulacan PNP


LUNGSOD NG MALOLOS — Kumpiskado ang isang kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P6.8 million mula sa dalawang Chinese nationals at isang Pinay sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency kaninang madaling araw sa bayan ng Sta. Maria.

Ayon sa ulat ng PDEA, pasado alas-12 kaninang hatinggabi nang ikasa ang operasyon sa Northville sa Barangay Caysio, Sta. Maria.

Naaresto sa lugar ang mga Chinese nationals na sina Zhicheng Lu alyas Atse at Feiyue Shi, at ang Pilipinang si Elgine Monzaga alyas Inday.

Bukod sa isang kilo ng shabu ay nakuha din sa mga ito ang gamit na Toyota Camry, cell phones at mga dokumento gaya ng passport at BIR I.D.

Ayon sa mga otoridad, minanmanan nila ang galaw ng mga suspek hanggang sa tuluyan nang maaresto ang mga ito.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad kung may kinalaman ang mga ito sa magkakasunod na naunang operasyon sa mga naarestong Chinese sa Marilao kung saan nasamsam ng ang nasa 750 kilos ng imported high-grade shabu na may estimated street value na P5.1 billion sa isang house apartment sa Meralco Village, Barangay Lias nitong June 4.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here