Home Headlines P30-M Chinese food nakumpiska, 2 Tsino timbog

P30-M Chinese food nakumpiska, 2 Tsino timbog

4393
0
SHARE

Ang kahon-kahon na mga Chinese food at beverages products sa sinalakay na warehouse.



LUNGSOD NG
ANGELES — Sinalakay ng mga operatiba ng National Bureau of InvestigationRegion 3 at Food and Drug AdministrationNorth Luzon Cluster ang isang warehouse sa Hensonville, Barangay Malabanias na naglalaman ng P30 milyong halaga ng mga illegal Chinese food at beverage products nitong Huwebes.

Naaresto ng NBI ang dalawang Chinese nationals na kinilalang sina Yang Sang Kho, 50-anyos at Lee Jiari, 30-anyos ng kumpanyang Tien Khong San Mao.

Ang dalawang suspek na Chinese nationals na tumangging magbigay ng panig sa reklamo habang kausap ng NBI Chinese interpreter. Mga kuha ni Rommel Ramos

Ayon kay Atty. Marvin De Jemil, NBI-3 executive officer, sa buy-bust operation ay sinalakay nila ang nasabing warehouse na naglalaman na mga hindi rehistradong mga produkto gaya ng sausage, noodles, luncheon meat, tinapay, softdrinks at juices na mula sa China.

Lumalabas sa imbestigasyon na halos nasa isang taon na ang operasyon ng nasabing Chinese company.

Ayon naman kay Gomel Gabuna, OIC ng FDANorth Luzon Cluster, delikado para sa publiko ang makakakain ng naturang mga produkto dahil hindi ito mga rehistrado sa FDA.

Bukod aniya sa delikado ay may epekto din sa ekonomiya ang pagkalat ng mga produktong ito sa bansa dahil hindi ito nagbabayad ng buwis.

Sinasabing wholesale ang bilihan ng mga produktong ito at konektado sa 999 store na nauna nang sinalakay ng FDA at NBI kamakailan sa Clark.

Ayon sa FDA, walang certificate of product registration at walang license to operate ang nasabing kumpanya at ang dalawang Tsino naman ay ikokostodiya ng NBI at sasampahan ng kasong paglabag sa FDA Law.

Inaalam pa din sa Bureau of Immigration kung may kaukulang dokumento ang mga naarestong suspek.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here