Ipinagdiwang ng 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻 𝗜𝗜𝗜, 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗿𝗮𝗹 𝗟𝘂𝘇𝗼𝗻 𝗦𝗼𝗹𝗼 𝗣𝗮𝗿𝗲𝗻𝘁 𝗙𝗲𝗱𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗖𝗟𝗦𝗣𝗙), 𝗜𝗻𝗰.,, 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗗𝗦𝗪𝗗), kasama ang mahigit 165 𝘀𝗼𝗹𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗲𝗻𝘁𝘀 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮, 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻, 𝗭𝗮𝗺𝗯𝗮𝗹𝗲𝘀, 𝗮𝘁 𝗧𝗮𝗿𝗹𝗮𝗰, 𝗮𝗻𝗴 “𝗦𝗼𝗹𝗼 𝗣𝗮𝗿𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗮𝘆 𝟮𝟬𝟮𝟲” na may temang “Hindi ka nag-iisa sa iyong pag-iisa; YAKAP at Kalinga para sa solo parent”, na ginanap sa Lola Ima Cuisine and Restaurant, Lungsod ng San Fernando, Pampanga, nitong ika-15 ng Abril, 2026.

Sa pangunguna ni PhilHealth Acting Vice President Atty. Ma. Emily P. Roque, katuwang sina Acting Branch Manager Dr. Rowena S. Zabat-San Mateo, Regional Chapter President Feni Evangelista-Santos ng CLSPF, at Division Chief Czar Cornelius R. David ng DSWD, ibinahagi sa mga solo parents ang mga kaalaman at benepisyo ng PhilHealth, YAKAP at GAMOT, Expanded Solo Parent Act, at iba pang benepisyong pangkalusugan para sa mga magulang at mga anak.
Ayon kay Dexter S. Maglalang, Head ng PhilHealth Membership Section A, layunin ng programa na maseguro ang proteksiyong pangkalusugan ng mga solo parents at kanilang mga anak, mabigyan ng kasiyahan, aktibong pakikibahagi, at buong suporta bilang “may hawak ng beat” (tulad ng trending song ngayon) tungo sa mas malusog at maliwanag na bukas.

Lahat ng solo parents ay naging aktibo at masaya sa programa habang naibabahagi ang mga benepisyo at serbisyo ng PhilHealth, CLSPF at DSWD. Isa sa mga solo parents na nagbahagi ng mensahe ang nagsabing, “Natakot akong magpagamot kasi akala ko mahal, pero nagulat ako at natuwa, wala ko binayaran sa ospital, malaking tulong ang PhilHealth, lalo sa amin na mag-isang binubuhay ang aming pamilya. Marami pong salamat.”
(Ulat ni Monifer S. Bansil, Head-Public Affairs Unit)



