Memorial park nilagyan ng karnabal

    99
    0
    SHARE

    BALANGA City- Nagsimula nang buksan sa pangalawang araw noong Miyerkules ang maliit na karnabal sa isang sulok ng malaking memorial park sa lungsod na ito sa Bataan.

    Iba-ibang laruan at paninda ang makikita sa loob ng tinatawag na Fantastic Carnival na dinarayo sa gabi ng maraming tao matapos bumisita at mag-ayos ng mga puntod ng kanilang mahal sa buhay. Upang marating ang karnabal, madadaanan ang mga karaniwang puntod at musoleo.

    Libang na libang ang mga bata sa mga sasakyang inihugis sa iba’t-ibang hayop. May bump car, coaster at maging Viking. May isang horror house at may videoke rin. May inilulutong hotdog, bar-b-que sa mismong loob ng karnabal.

    Sa labas ng karnabal ay may iba-ibang paninda kabilang ang popcorn, mani at kornek at maging umiilaw na toys. Sa bakanteng lugar sa harap ng mga puntod, nakahilera ang kainan kabilang ang ilang fastfood.

    “Matumal pa ang benta,” sabi ng babaing tindera. Inaasahan daw niya na lalakas ito sa mismong araw ng undas.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here