Matandang babae natagpuang patay sa tabi ng ilog

    243
    0
    SHARE
    DINALUPIHAN, Bataan – Isang matandang babae ang natagpuang patay kamakailan sa madamong bahagi sa tabi ng ilog at lupang sakahan sa barangay Layac, dito.

    Ayon kay Boyet Rafanan, una nilang nakita ang babae sa tabi ng ilog umaga pa lamang na akala nila’y mangunguha lamang ng kulitis na panggulay. Tanghali na, aniya, at mainit na ang araw ay nakaupo lamang ito at hindi umaalis.

    Nang puntahan nila umano ito ay nilalanggam na sa bibig kaya inireport na nila sa mga opisyal ng barangay na tumawag naman ng pulis.

    “Walang may kagagawan, walang foul play sa kamatayan ng matanda na may dalang maraming damit at gamot sa bag niya na first time lamang naming nakita sa lugar na ito,” ani Rafanan.

    Sinabi ni PO1 Jefferson Imperial ng Dinalupihan police na nakilala nila ang biktima na si Belen Esguerra, 66, ng Olongapo City, sa pamamagitan ng mga identification cards nito. Sa autopsy report, aniya, ay namatay ito sa sakit.

    Dinala ang bangkay sa isang punerarya sa Dinalupihan kung saan kinuha ito ng mga kamag-anak at dinala sa Olongapo City.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here