Mark Anthony Fernandez rumesbak kay Claudine Barretto

    347
    0
    SHARE
    Matagal na hindi sinagot ni Mark Anthony Fernandez ‘yung bintang sa kanya ni Claudine Barretto na isa siyang sinungaling. Pinagpistahan kasi ng press yung statement ni Clauidine kaugnay sa hindi nila nagkatagpong schedule nang sana’y dapat silang mag-meeting para sa isang pelikulang pagsasamahan nila sa Viva Films.

    Halata kasi na talagang kailangan na ni Claudine na gumawa ng pelikula dahil matagal na rin naman yung latest na ginawa niya. Sa paglipat nga niya sa GMA 7, nakatakda sanang mag-partner ang GMA at Viva Films para sa isang pelikulang dapat sana’y sila ni Mark Anthony Fernandez ang magtatambal.

    At dahil nga may nakaraan sa totoong buhay sina Claudine at Mark, nakae-excite sa publiko na magsasama sila sa isang pelikula. Kumbaga, malaki ang maitutulong noon sa career ni Clauidne. Pero gaya nga ng nasabi na tungkol sa mga gulo, hindi na matutuloy ang proyekto. That was when Claudine was dismayed and issued a statement to the effect na sinungaling nga si Mark Anthony Fernandez.

    On his part, sa pagsasalita nga sa wakas ni Anthony, halatang may naiinis na rin siya. Kung gaano kataray si Claudine when she said na sinungaling na si Mark.  “Naiintindihan ko naman sila, pero sa totoo lang, talagang nahirapan kami sa aming schedule. Hindi komo, hindi natuloy yung meeting namin, that doesn’t necessarily mean na sinungaling ako. Ako kasi, inaamin ko naman na may mga kapakanan sa buhay ko. Minsan talaga kailangan yung magsinungaling pero ang masasabi ko lang, sa araw-araw na pamumuhay, hindi ako sinungaling na tao,” pahayag pa ni Mark Anthony.

    Sinabi rin ni Mark Anthony na sa pagkakaalam niya ay magkaibigan na sila ni Claudine. In fact, nag-usap na raw silang dalawa ni Clauidne na kasali pa nga si Raymart. “As far as I know, nagkaayos na kami pero kung para kay Claudine, hindi pa rin, okey lang, pero sana maintindihan nila ako. Ako naman, I believe na pare-pareho lang naman naming gusting maging matino. Na lahat naman tayo rito ay mga anghel, but in the process, sa pagtubo ng mga pakpak natin, dun na nagkakaroon ng sagian. But that’s it, hindi komo nagkasagian kami, masama na akong tao. Hindi naman siguro ganoon,” may malalim na kahulugang tinuran pa ni Mark Anthony Fernandez.

    Sinabi rin ni Mark na yun na ang una at huli niyang pagsasalita sa isyu. Sa ngayon daw, mas interasado siyang mag-concentrate na lang muna sa mga issues at ‘wag na lang pansinin ang mga lumang intriga sa kanyang buhay.

    Kaugnay nito, excited rin daw si Mark na muli na naman niyan makatambal si Regine Velasquez sa Diva. Naging close daw sila nang gawin ang remake ng isang Koreanovela at mula nga noon, naging malapit na sila sa isa’t isa.

    So there!



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here