Jewel Mische makasisira sa career ni Richard Gutierrez

    441
    0
    SHARE
    Kung ilang ulit nang napasulat yung si Jewel Mische na raw ang pakakasalan ni Richard Gutierrez. Na boto na nga raw si Bisaya sa mamanugangin dahil nga palasimba ito.

    Pero alam ba ninyong mismong isang tao mula sa kampo ni Richard ang may violent reaction tungkol sa isyu. “Never, never, never,” negang-negang pagkontra nito nang makarating sa kanya na si Jewel na nga’ng ihaharap sa altar ng kanilang alaga.  “Diyos ko, hindi sisirain ni Richard ang career niya dahil lang kay Jewel Mische. Alam naman ni Richard na hindi sila bagay,” sabi pa nito.

    Pero mismong sa bibig ng aming kausap galing yung talaga raw tintulungan ni Richard si Jewel sa pangkabuhayan nito. Sa kasalukuyan daw, inuupa ng apartment ni Richard sa Pampanga si Jewel dahil doon ito nag-aaralang pagkapiloto. Sagot daw ni Richard ang lahat ng gastusin ni Jewel pero hanggang doon lang daw yun. “Alam ni Richard na wala siyang mahihita at talagang makasisira lang sa career niya si Jewel.

    Hindi rin daw true na boto si Annabelle Rama kay Jewel. Hindi rin daw sinoman sa mga kapamilya ni Richard ang may gusto kay Jewel. Basta sa ngayon daw, love talaga ni Richard si Jewel pero hanggang dun lang daw. Hindi raw dapat umasa ng kasal si Jewel at ang pamilya nito. Sapat na raw yung tumutulong si Richard kay Jewel para maabot nito ang mga pangarap niya sa buhay.

    Pinahihinto na nga raw ni Richard sa pag-aartista si Jewel para makapag-concentrate ito sa kanyang pag-aaral. Pero tila yata bibigyan pa si Jewel ng pagkakataon ng GMA 7. Kasali raw ito sa Captain Barbell na si Richard Gutierrez ang bida.


    So there!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here