Lolo patay, asawa at apo kritikal matapos pagsasaksakin sa ‘Gapo

    445
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG OLONGAPO – Patay ang isang lolo, samantalang nasa kritikal na kalagayan sa pagamutan ang kanyang asawa at apo matapos itong pagsasaksakin ng isang menor-de-edad na lalaki sa barangay Gordon Heights sa lungsod na ito.

    Kinilala ng pulisya ang biktimang si Segundino Doloroso, 77, at residente  ng No. 1720 Upper Pacheco, na nagtamo ng dalawang saksak sa dibdib at dead-on-arrival sa James Gordon Memorial Hospital kung saan ito isinugod.

    Nasa kritikal na kalagayan naman si Cornilla, 66, (asawa ng biktima) bunga ng tinamong dalawang saksak sa dibdib, samantalang ang apo na si Segundino Quigon, 7, ay nagtamo naman ng saksak sa likod.

    Ayon kay PO1 Alexander Queming, Desk Officer ng Police Station 5 ng Olongapo City Police Office, alas-10 ng gabi ng maganap ng makatanggap sila ng tawag sa telepono at ipinagbigay alam ang nasabing krimen.

    Batay sa imbestigasyon ng pulisya, natutulog ang mga biktima ng pasukin ito sa bahay ng suspek na si Cris, (hindi tunay na pangalan), 14, sa pamamagitan ng pagdaan sa likurang bahagi ng bahay matapos na sungkitin ang nakakawit na pako na nagsisilbing saraduhan ng pintuan.

    Nabatid pa sa ulat na nagtanim ng galit ang suspek sa mag-asawang Doloroso ng ito umano ay pagmumurahin matapos ang mga ito’y magtalo sa sukli ng bumili ito ng tinapay sa tindahan ng mga biktima.

    Kaagad namang nadakip ang suspek nina PO2 Juliber Punzalan at PO1 Glen Espartina habang ito ay nagtatago sa ilalim ng imburnal sa di kalayuang lugar sa pinagyarihan ng krimen.

    Ang suspek ay nasa pangangalaga ng Police Station 5 at ipaghaharap ng kaukulang kaso.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here