At kamag-anakan, kahit batid nilang
Ang kaanak nila’y walang nalalaman;
Kung saan personal na interes naman
Ang pakay ng iba sa puntong naturan.
At may kapamilya rin namang kapagka
Ang nangibabaw ay ibang interes na,
Ay humahantong sa puntong sila-sila
Ang nag-aagawan laban sa isa’t-isa.
At sumisira sa magandang ugnayan
Ng dati ay napa-kabuting samahan
Ng makapamilya o iisang angkan,
Dahil sa inggit na posibleng umiral.
Ng isa o ng sinumang nagnanais
Humabol para siya itong makapalit
Nitong naka-upo, na siyang malimit,
Mangyari kapag ang iba’y nagpumilit.
Na humabol gayong ang isa ay di pa
Nakatatapos ng takdang termino niya;
Kaya puno’t dulo nito’y ano pa ba
Kundi kasiraan ng magpapamilya?
At mitsa ng pagkasira nang lubusan
Ng relasyon nila sa lahat ng bagay,
Na siyang nakikita nating umiiral
Sa alin mang lugar sa kasalukuyan.
Kung saan ang iba ay makapatid pa
Itong magkalaban kung di man mag-ama
Ang nag-aagawan sa puestong iisa,
Pagka-alkalde o anumang target na,
Posisyong hangad na mapasakamay n’yan
Kahit ano nito ang masagasaan,
Bunsod ng personal na interes nga lang
Ng nakararaming gustong manungkulan.
Na mas inu-una ang pagkakitaan
Kaysa sila’y maging matapat sa bayan
At gawin ang nararapat na gampanan
Habang sila’y nasa palingkurang bayan
At di ‘yung kung kailan lang gustong pumasok
Ay doon natin yan masilayang lubos;
Kung saan wala pang tatlong oras halos,
Sa paglabas nito ay nagkukumahog.
At pagkakitaan para sa sarili
Ang ina-atupag na nakararami
Kaya suma total ang ‘official duty’
Itong kadalasan naisasantabi.
At ang bulsa nila itong patuloy na
Lumolobo habang pipis ang bituka
Ni Juan dela Cruz sa gutom at dusa
Dala ng mabigat na pasanin niya.
Humigit-kumulang, d’yan naguumikot
Ang daloy sa ngayon ng sistemang bulok
Sa pamahalaan, at kung saan halos
Ang lahat na yata ay nangungurakot.
At gaya ng ating nasabi’y personal
Na interes lang ng nakararami r’yan,
Ang nangingibabaw sa puntong naturan
Kaya gusto nilang makapanungkulan.
Pero kung alisan natin ng sahod yan,
Sa palagay kaya ninyo ay mayrun pang
Magkukumahog na hahabol man lamang
Bilang Kapitan o Kagawad kaya riyan?
Ang kaanak nila’y walang nalalaman;
Kung saan personal na interes naman
Ang pakay ng iba sa puntong naturan.
At may kapamilya rin namang kapagka
Ang nangibabaw ay ibang interes na,
Ay humahantong sa puntong sila-sila
Ang nag-aagawan laban sa isa’t-isa.
At sumisira sa magandang ugnayan
Ng dati ay napa-kabuting samahan
Ng makapamilya o iisang angkan,
Dahil sa inggit na posibleng umiral.
Ng isa o ng sinumang nagnanais
Humabol para siya itong makapalit
Nitong naka-upo, na siyang malimit,
Mangyari kapag ang iba’y nagpumilit.
Na humabol gayong ang isa ay di pa
Nakatatapos ng takdang termino niya;
Kaya puno’t dulo nito’y ano pa ba
Kundi kasiraan ng magpapamilya?
At mitsa ng pagkasira nang lubusan
Ng relasyon nila sa lahat ng bagay,
Na siyang nakikita nating umiiral
Sa alin mang lugar sa kasalukuyan.
Kung saan ang iba ay makapatid pa
Itong magkalaban kung di man mag-ama
Ang nag-aagawan sa puestong iisa,
Pagka-alkalde o anumang target na,
Posisyong hangad na mapasakamay n’yan
Kahit ano nito ang masagasaan,
Bunsod ng personal na interes nga lang
Ng nakararaming gustong manungkulan.
Na mas inu-una ang pagkakitaan
Kaysa sila’y maging matapat sa bayan
At gawin ang nararapat na gampanan
Habang sila’y nasa palingkurang bayan
At di ‘yung kung kailan lang gustong pumasok
Ay doon natin yan masilayang lubos;
Kung saan wala pang tatlong oras halos,
Sa paglabas nito ay nagkukumahog.
At pagkakitaan para sa sarili
Ang ina-atupag na nakararami
Kaya suma total ang ‘official duty’
Itong kadalasan naisasantabi.
At ang bulsa nila itong patuloy na
Lumolobo habang pipis ang bituka
Ni Juan dela Cruz sa gutom at dusa
Dala ng mabigat na pasanin niya.
Humigit-kumulang, d’yan naguumikot
Ang daloy sa ngayon ng sistemang bulok
Sa pamahalaan, at kung saan halos
Ang lahat na yata ay nangungurakot.
At gaya ng ating nasabi’y personal
Na interes lang ng nakararami r’yan,
Ang nangingibabaw sa puntong naturan
Kaya gusto nilang makapanungkulan.
Pero kung alisan natin ng sahod yan,
Sa palagay kaya ninyo ay mayrun pang
Magkukumahog na hahabol man lamang
Bilang Kapitan o Kagawad kaya riyan?