100 days report ng Gob, kauna-unahan sa Zambales

    702
    0
    SHARE
    IBA, Zambales – Sulong, Zambales! Sulong, Zambaleño!.

    Ito ang magiging “motto” ng lalawigan ng Zambales, ayon kay Gov. Hermogenes Ebdane.

    Sa ika-100 araw mula ng manungkulan siya, kanyang iniulat ang kanyang mga nagawa.

    Sa pambungad ng kanyang mensahe, sinabi nito na sa istorya ng Zambales, ito ang kauna-unahang pag-uulat ng gobernador sa kanyang mga nagawang proyekto sa lalawigan at gagawin pa batay na rin sa tiwala ng taumbayan.

    Isa sa mga pinagtuunan ng pansin ng gobernador ay ang Health and Welfare sa mga malalayong mga barangays kung saan nagpatayo ito ng potable water system sa barangay Batiawan, isang mountain village sa bayan ng Subic, Zambales at Sitio Lupang Pangako, Iba, Zambales.

    Dinagdagan din sa taong ito ni Ebdane ang pondo sa tatlong ospital dito para mapagawa at i-upgrade ang mga kagamitan ng mga ito.

    Binigyan ng P5.3 million ang Iba Provincial hospital; P3.3 million ang San Marcelino district hospital at P7.7 million ang Candelaria district hospital.

    Sinabi ni Ebdane na tumaas din ang koleksyon ng buwis ng lalawigan.

    Batay narin sa ulat ng Provincial Treasurer’s office, umabot sa P2.2 million ang koleksyon sa loob lamang ng tatlong buwan mula July hanggang September kung ito’y ikukumpara mula buwan ng January hanggang June 2010 na P2.23 million.

    Bumaba din ang budget deficit ng lalawigan sa dating P48.6 million ay naging P34.9 million sa loob ng tatlong buwan.

    Hinigpitan din ng provincial government ang pagbibigay ng permits at fees sa mining at quarrying operations matapos na ipag-utos ni Ebdane, batay sa Executive Order No. 5, ang pagsuspinde sa lahat ng mining at quarry permits sa buong lalawigan.

    Matapos ang talumpati ng gobernador, nagsagawa ito ng inspection sa dike sa Bocao river, kasunod ng pagpapasinaya sa Bocao Bridge kasama ang mga opisyales ng DPWH at local government units.

    Pinasinayaan din ng gobernador kasama si Col. Patarata, commanding officer ng Philippine Army ang motor pool bay, asphalted road at water system sa Headquarters ng 24th Infantry Battalion, 7th Infantry Division ng Philippine Army sa Tent City, Barangay Bulawen, Palauig, Zambales.

    Duamalo sa okasyon sina Chief Supt. Allan Purisima, region 3 police director, Senior Supt. Rafael Santiago, Jr., Zambales police director, at iba pang matataas na opisyal ng kapulisan.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here