Jericho Rosales go na go sa mga eksenang may halikan

    109
    0
    SHARE

    HINDI NAMAN pala totoo ang tsikang hindi tumatanggap si Jericho Rosales ng roles which require him to do kissing scenes.

    Sa pinakabago niyang serye sa ABS-CBN sa unit ni Malou Santos which is Star TV na The Legal Wife, may mga ganitong eksena na mapapanood sa kanya with Angel Locsin. Actually, nais nga raw i-correct ni Echo ang wrong impression na ito sa kanya dahil ang dami na raw nagtatanong sa aktor about it.

    “Kapag may nagtatanong sa kanya (Echo) kung puwede siyang makipag-kissing scene, ang sinasabi naman niya ay ikuwento raw muna sa kanya ang script,” pahayag ng head writer ng The Legal Wife na si Henry Quitain nang makatsikahan namin siya sa media briefi ng na isinagawa para sa nasabing serye.

    So, what they did ay ikinuwento muna nila kay Echo ang script at nagustuhan naman daw agad ng aktor.

    “Kaya sabi nga niya, misunderstood daw siya dahil akala ng iba, ayaw niyang tumanggap ng mga gray character or ’yung mga ganyang kissing scene. Hindi po totoo iyon and sabi nga niya, kung talaga naman daw kailangan, willing naman daw siya,” pahayag pa ni Henry.

    Sa The Legal Wife ay asawa ni Angel ang role ni Echo na magkakaroon ng affair kay Maja Salvador kaya required naman talaga ang love scenes. Ang aktor daw mismo pa ang nagsabi na kailangan nga raw sa story kaya gagawin niya.

    In fact, may bed scenes pa nga raw si Echo but of course, kailangan pa ring nakasunod sa regulasyon ng MTRCB for TV airing.

    As the title suggests, ang The Legal Wife ay tumatalakay sa legal na asawa, ang mga pinagdadaanan nito, ang mga sakripisyo at hirap kung paano panatiliing buo ang pagsasama, ang mga emosyonal na pinagdadananan, ang mga insecurities, everything.

    Kadalasan daw kasi sa mga uri ng ganitong kwento, ang mistress ang nadya-justify at hindi ang legal wife.

    At kadalasan, ang legal wife pa ang mali kaya nangaliwa si mister. So, this time, ang makikita naman natin ay ang point of view ng isang legal na asawa “Mas mahirap maging legal wife and sa show na ito makikita niyo na kung ano pang pinagdadaanan ng isang wife at papaano niya laging nilalagay sa konsiderasyon ang kanilang anak.

    “Ipapakita sa show na ito kung ano ang kino-consider para i-keep ang relationship, kahit sabihin ng buong mundo na ang tanga-tanga mo na. Bakit siya kumakapit bilang isang asawa o bilang isang ina para i-keep ang family? That’s what we really wanted to show in the serye,” say ni Henry.

    Ngayong Nobyembre na magsisimula ang The Legal Wife mula sa direksyon ni Rory Quintos at Dado Lumibao. Kasama rin sa serye si JC de Vera as his fi rst ever teleserye sa ABS-CBN.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here