Heart Evangelista nagdesisyon nang si Senator Chiz na’ng huling lalaki sa kanyang buhay

    132
    0
    SHARE

    NAALALA NAMIN ang sinabi ni Heart Evangelista nang ma-interview sa taping ng Magkano Ba Ang Pag-ibig? na hindi seloso ang BF nitong si Sen. Chiz Escudero kaya wala siyang problema sa mga role at eksena sa anumang project na gawin.

    Ibig sabihin, hindi naging problema ng aktres ang pagpapaseksi sa bagong endorsement niyang isang klase ng alak na siya rin ang calendar girl at lalabas ito bago pumasok ang 2014. Kung tama ang balita, ito rin ang brand ng alak na naging calendar girl si KC Concepcion.

    Sayang na nalaman namin ang new endorsement ni Heart after ng interview sa kanya sa set ng afternoon prime, sana nai-tanong din namin. Pero maganda pa rin ang interview na na-focus sa soap at kay Sen. Chiz.

    Nanonood daw ang senador sa Magkano Ba Ang Pag-ibig? at tinanong siya kung natuloy ang kasal nila Eloisa (Heart) at Bobby (Dominic Roco). Sa takbo ng istorya, nai-in-love na si Eloisa sa asawa kahit mentally challenged ito.

    ’Kaaliw naman ang sagot ni Heart sa tanong kundi ba siya natatakot na maraming showbiz couple ang nagbibreak? Hindi siya natatakot at ayaw niyang maghiwalay pa sila ng BF.

    “Feeling ko, siya na ang match ko at sana maging destiny ko rin. I can be myself with him, he listens, he understands and explain to me things that I don’t understand. I don’t fi nd anybody guwapo and interesting, siya lang talaga! ’Pag naghiwalay kami, hindi ako papakita at isang taon akong iiyak,” sabi ni Heart.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here