Renz Fernandez di muna iibig after Maxene Magalona

    94
    0
    SHARE

    SA PANIG naman ni Renz Fernandez hindi raw true na si LJ Reyes na ang ipinalit niya kay Maxene Magalona.

    “Wala,” sabi niya. “Wala pa akong ipinapalit na kahit sino. I’m just lucky GMA7 gave me this chance na makapagtrabaho ako sa kanila and enjoy ako rito sa fi rst show ko with them na ‘Prinsesa ng Buhay Ko’, so dito muna ang concentration ko and I don’t want to be distracted. Gusto kong maging maayos talaga ang acting ko as a sign ng aking pasasalamat sa pagtitiwala nila sa akin.”

    Ayon pa kay Renz, sinusuportahan daw siya ng direktor ng serye nila.

    “Magaling na director si Direk Dondon so happy talaga ako na nagkatrabaho kami uli ngayong pareho na kaming Kapuso. Si Direk ‘yung tipo ng director na actor’s director kasi hindi niya basta hinahayaan lang ang mga artista niya kung anong gagawin nila sa eksena.

    Talagang gina-guide niya nang husto and I like that kasi nga, baguhan pa rin lang naman ako sa pag-arte.

    Ang taping namin is always 6 a.m. to 6 a.m. the next day, kaya ang mom ko (Lorna Tolentino), ang tawag sa’kin, Mr. Good Morning, kasi aalis ako ng morning at ang uwi ko, morning na rin of the next day. We’re now taping our 7th week at isang natutuhan ko rito is how to do power naps while waiting for my take.”

    As Luis Grande in the story, he’s a very rich guy. To be able to portray and project his role well, he really bought expensive clothes and suits from his own pocket that he uses in taping the show.

    “Hindi ako basta umasa sa wardrobe department ng production kasi gusto ko talagang maging credible ako as someone who’s rich. Okay lang na ako mismo ang gumastos kasi parang investment din sa’kin ang binili kong mga mamahaling gamit. Puwede ko pa rin naman silang gamitin in other shows that’ll be assigned to me in the future.”

    What will he do now for his late dad (Rudy Fernandez) that All Saints Day is nearing?

    “Siyempre, we’ll all visit him sa Heritage Memorial. ‘Yung time na may sakit si Papa was really an ordeal for me, my Kuya Rap and our mom. Kasi si Papa, bawal humarap sa kanya ng malungkot. Gusto niya, nakikita kaming laging masaya. So we have to put up a brave front, pero kung minsan, hindi ako makatagal, kaya nagtatago ako para umiyak. Pero dahil dun, lalo kaming naging close ni Mama at ng kapatid ko.”

    Managed by Malou Choa Fagar, what Renz wants to improve on right now is his delivery of lines. “

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here