Heart Evangelista inisnab ng sariling ina sa mall

    361
    0
    SHARE

    SI HEART EVANGELISTA at ang kanyang ina pala ang na-blind item na mag-inang nagkita sa isang mall, pero hindi pinayagan ng ina ang anak na aktres na lumapit sa kanya, bumati at bumeso.

    Sa Greenbelt daw nangyari ang eksena. Hindi inaasahang magkakasalubong ang mag-ina. Bebeso raw sana si Heart sa ina, pero sinenyasan siya nito na ’wag nang lumapit sa kanya. Hindi na rin daw nagpilit lumapit sa ina si Heart at hindi na ipinakita sa ina ang pag-iyak.

    Siguradong miss na miss na ni Heart ang ina na hindi pabor sa pakikipagrelasyon niya kay Sen. Chiz Escudero.

    Kailan kaya magkakabati ang mag-ina? Baka mauna pang magkaroon ng happy ending sina Heart at Chiz bago batiin si Heart ng ina.

    Mabuti na lang at hindi apektado ang trabaho ni Heart saproblema dahil regular pa rin siyang nagri-report sa taping ng Magkano Ba Ang Pag-ibig? na sa February na ang ending.

    Magri-resume rin siya ng shooting ng Viva Films movie naTrophy Wife na si Andoy Ranay na ang director.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here