Korina Sanchez binusalan ng asawang si Mar Roxas

    355
    0
    SHARE

    SA RADIO PROGRAM lang niya sa DZMM nag-leave si Korina Sanchez. Kahapon nagsimula sa dating timeslot ni Koring na 10-11 a.m. ang tandem nina Amy Perez at Marc Logan. Tuloy pa rin ang newscaster sa panggabing TV Patrol at Sunday magazine show na Rated K.

    Ang pagtatapos ng kanyang post-graduate course ang binalikan ni Korina. Pero kahit justifi ed ang rason ni Koring, marami pa rin ang duda na pinatahimik muna siya ng asawang si Mar Roxas.

    Halos sabay kasi silang na-criticize nu’ng kasagsagan ng bagyong Yolanda. Si Korina tungkol kay Anderson Cooper ng CNN at si Sec. Roxas naman kay Tacloban Mayor Alfred Romualdez!

    Sa pamamahinga ni Korina sa komentaryo niya sa radio, safer ang trabaho niya sa news program at magazine show dahil ang mag-report lang ang trabaho niya at hindi kailangan ng komentaryo niya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here