Heart Evangeista pakakasalan na ni Senator Chiz

    417
    0
    SHARE

    BAGAMA’T lantaran ang pagtutol ng mga magulang ni Heart Evangelista sa relasyon nila, kinumpirma ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na pakakasalan niya ang aktres.

    “Gusto ko siyang pakasalan. May inaayos lang akong konti pang gusot sa akin. Sana, sa hindi malayong hinaharap, maayos na ’yon, para maging ganap na ’yung aming ugnayan,” pahayag ni Sen. Chiz sa interview ng Tapatan ni Tunying na mapapanood ngayon, May 1.

    May mga balitang sa susunod na taon na magaganap ang kasal ng dalawa. Ibinahagi ng senador na nilalakad pa ang church annulment niya sa asawang si Christine Flores. Ayon pa kay Sen. Chiz, matindi ang pagmamahal niya kay Heart, GF niya ng halos dalawang taon.

    “’Yung hinahanap ko, nakamit at naabot ko ngayon. Kaya wala pang kapantay o wala pa ’kong naranasang ganitong pakiramdam,” anang senador.

    Sa hiwalay na panayam, naging bukas naman ang celebrity stylist na si Liz Uy sa kontrobersyal na pagkakaugnay niya kay Pangulong Noynoy Aquino. Itinanggi ni Liz na nagkaroon sila ng relasyon ng pangulo.

    Bukod sa kontrobersyal nilang buhay pag-ibig, magbabahagi rin sina Sen. Chiz at Liz ng mga bagay-bagay tungkol sa kanilang karera at pamilya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here