Urian Awards nominees inihayag na

    3620
    0
    SHARE

    TIYAK NA buhay na buhay na naman ngayon ang Noranians at Vilmanians dahil ang mga idolo nila ang maglalaban for the best actress award sa gaganaping 37th Gawad Urian awards night sa June 17.

    Kahapon ay ni-reveal na ng Manunuri ang nominees sa ipinatawag na presscon ng Cinema One, partner ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino. Nominado ang Supertar na si Nora Aunor for Ang Kwento ni Mabuti habang ang Star for All Seasons na si Vilma Santos ay nominated for Ekstra.

    May mga nagsasabing baka magaway-away lang ang fans ng dalawa sa mismong proclamation night na gaganapin sa Studio 9 and 10 ng ELJ Building at kung nakahanda ba ang Manunuri kung sakali?

    Say naman ng isa sa Manunuri and National Artist na si Bienvenido Lumbera, hindi nila masisisi ang fans kung sino ang gustong kilingan ng mga ito. Alam daw naman nilang may kanya-kanyang hukbo ng fans sina Ate Guy at Ate Vi.

    Kasama rin sa mga nominado for best actress sina Angeli Bayani (Norte, Hangganan ng Kasaysayan), Rustica Carpio (Ano ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap?) Cherie Gil (Sonata), Lorna Tolentino (Burgos), Eugene Domingo (Instant Mommy), Vivian Velez (Bendor), Agot Isidro (Mga Anino ng Kahapon) at Teri Malvar (Ang Huling Cha Cha ni Anita).

    For best actor naman, maglalaban-laban sina Mark Gil (A Philippine Story), Joel Torre (OTJ), Mimi Juareza (Quick Change), Sid Lucero (Norte, Hangganan ng Kasaysayan), Ping Medina (Transit) Jhong Hilario (Badil) at Alex Medina (Babagwa).

    This year’s awarding ceremony will be hosted by Piolo Pascual and Bianca Gonzales kasama ang isa sa miyembro ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino na si Butch Francisco. Ieere ito sa Cinema One on the same night at 10.

    Narito ang iba pang nominado:

    Best picture: Norte Hangganan ng Kasaysayan; On the Job; Transit; Ekstra; Riddles of My Homecoming; Badil; Ang Kwento ni Mabuti; Porno at Dukit; Best supporting actor: Junjun Quintana (A Philippine Story); Art Acuna (Kabisera); John Arcilla (Metro Manila); Joey Marquez (OTJ); Yul Servo (Porno); Carlo Aquino (Porno); Victor Basa (Lauriana); Cesar Montano (Alamat ni China Doll); Archie Alemania (Norte Hangganan ng Kasaysayan); Bor Ocampo (Dukit); Best supporting actress: Angel Aquino (Ang Huling Cha Cha ni Anita); Angel Aquino (Porno); Mitch Smith (Angustia); Ruby Ruiz (Ekstra); Jasmine Curtis-Smith (Transit); Raquel Villavicencio (Dukit); Best direction: Erik Matti (OTJ); Lav Diaz (Norte Hangganan ng Kasaysayan); Jeffrey Jeturian (Ekstra); Peque Gallaga and Lorie Reyes (Sonata); Arnel Mardoquio (Riddles of My Homecoming); Hannah Espia (Transit); Alvin Yapan (Mga Anino ng Kahapon); Whammy Alcazaren (Islands); Chito Roño (Badil); Mes de Guzman (Ang Kwento ni Mabuti); Adolf Alix Jr. (Porno); Bing Lao (Dukit).

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here