Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 5 health workers sa 6 recoveries

Covid-19 sa Bataan: 5 health workers sa 6 recoveries

555
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Anim ang bagong nakarekober sa coronavirus disease sa Bataan, lima sa mga ito ay health workers, batay sa report ng provincial health office Lunes ng gabi.

Inanunsiyo ni Gov. Albert Garcia ang anya’y magandang balita 11:28 ng gabi na ang kabuuang bilang ng gumaling na sa sakit na Covid-19 ay umakyat na sa 61.

Ang mga bagong nakarekober na health workers ay isang 31taong gulang na babae at 31taong gulang na lalaki mula sa Balanga City; 32taong gulang na babae mula sa Hermosa, at 41taong gulang at 32taong gulang na parehong babae mula sa Orani.

Ang pang-anim ay lalaking 28-taong gulang mula sa Mariveles.

Sa kabuuan, nananatiling 131 ang bilang ng nagpositibo at anim ang pumanaw na sa Covid-19 sa lalawigan. 

Sa 2,385 na natest, 484 ang naghihintay ng resulta samantalang 1,760 ang nagnegatibo, kabilang ang 75 na lumabas ang resulta Lunes ng gabi.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here