Home Headlines No. 1 Most Wanted: Medic-supply officer ng NPA arestado

No. 1 Most Wanted: Medic-supply officer ng NPA arestado

2096
0
SHARE

IBA, Zambales Isang aktibong medic at supply officer ng New Peoples Army ang dinakip ng pinagsanib na mga tauhan ng provincial intelligence unit ng Zambales Provincial Police Office, RIU-3, 1stProvincial Mobile Force Company, Masinloc police, at 23rd SAC sa bayan ng Masinloc.

Sa ulat na ipinadala ni Zambales provincial directorCol. Ponce Rogelio Peñones, Jr. kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Rhodel Sermonia, ang naaresto ay kinilalang si Darlene Jane Mon y Ibo, kilala sa ibat-ibang pangalan na Daya, Gin, CJ,at Sinag, residente ng Sitio Mandaloy, Barangay Taltal, Masinloc.

Ang suspek ay nasa talaan ng pulisya bilang No. 1 Most Wanted sa lalawigan ng Zambales at nasa Top 10 Most Wanted sa buong Gitnang Luzon.

Ayon sa ulat, ang suspek ay kilalang aktibong miyembro ng NPA bilang medic at supply officer sa ilalim ng Alvarez Peralta Command Zambales platun.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC, Branch 71, Iba, Zambales sa kasong murder, two counts of attempted murder, at arson.

Walang inerekomendang piyansa sa suspek sa kasong murder at arson, habang tig-P100,000 naman ang inerekomendang piyansa nito sa kasong two counts of attempted murder.

Ayon kay Peñones, dahil sa walang humpay na pagpapatupad ng tungkuling ng ZPPO ay maipaparating sa mga mamamayan  ang serbisyong-pulis na naayon sa kanilang pangangailangan.

“Walang lusot ang mga kababayang pilit na gumagawa ng taliwas sa kaayusan at katahimikan ng ating pamayanan, pangako ni Peñones.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here