5 sugatan sa pagsabog

    387
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY –Lima katao ang sugatan, kabilang na dito ang isang menor de edad na batang lalaki nang sumabog ang di pa mabatid na uri ng “fuse” sa Barangay New Banicain sa lungsod na ito.

    Kinilala ng pulisya ang mga sugatan na sina Angelito Doria, 35-anyos; Jovielyn Bruan, 29-anyos; Leonora Ugto, 33-anyos; Bernabe Lacuata, 46-anyos at ang isang 4-anyos na batang lalaki.

    Ang mga nasabing biktima ay kaagad na isinugod sa James Gordon Memorial Hospital para sa kaukulang lunas.

    Sa imbestigasyon ng pulisya, isiniris nina Doria at Lacuata sa dalawang alkaline battery ang di pa mabatid na uri ng fuse nang bigla na lamang itong sumabog na ikinadamay ng tatlong biktima.

    Ayon sa ulat ang fuse ay nakuha ni Doria sa dating US Naval Supply Depot sa loob ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at kanya itong iniuwi sa bahay at saka ito pinakialaman at isiris sa dalawang baterya kung kaya ito sumabog.

    Inaalam pa ng Explosive Ordnance Division ng PNP kung anong klaseng fuse ang sumabog na ikinasugat ng mga biktima.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here