Very generous si Kuya Germs sa pamimigay ng espasyo sa mga wala namang naiambag sa movie industry sa Walk of Fame Philippines

    135
    0
    SHARE

    Marami na rin namang pinarangalan si Kuya Germs sa ikapitong taong pamumudmod ng karangalan sa mga taong inaakala niyang nakatulong sa pag-unlad ng buong movie industry.

    Mahigit na dalawapung tao, kasama na’ng ilang namayapa na ang binigyang karangalan ni Kuya Germs sa ginanap na proceedings sa Libis Eastmall, kung saan nakalagay ang Walk Of Fame. 

    But of course, most of the personalities deserve the accolade, pero may ilang pangalang kasali that we do’t agree na dapat mag-iwan ng bakas sa pinaghirapang Walk Of Fame ni Kuya Germs.

    Hindi na kami magbabanggit ng mga pangalan basta marami nang naibigay si Kuya Germs sa mga taong di naman talaga nagbigay malasakit para mapaunlad ang buong industrya ng entertainment.

    By th way, umaasa na ang ilang kaibigan ni Kuya Germs na magkakaroon na ng katuparan yung pangarap niyang gawing City of Stars ang Quezon City. Of course, almost everybody knows by now na sa isipan ni Kuya gGerms, makabuluhan ang advocacy niyang mailagay bilang  City Of stars every time na binabanggit ang Quezon City.

    Matagal na niya itong pangarap pero mukhang binaril pa ito ng mga taong mismong inasahan niyang magsusulong nito.

    Well, matagal na yun, pero kailan lang, the mayor, himself, Herbert Bistek Bautista, announced on national Tv na baka sunod na itong gagawin ng city council. Na sa wakas, mabibigyang- katuparan ang pangarap ni Kuya Germs na gawing City of sStars officially ang Quezn City.

    Wish ko rin yun!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here