Ipalalabas na sa Pasko sa Metro Manila Film Fest ang El Presidente, na si Governor ER Ejercito ang gumaganap at kasalukuyan namang palabas ang Ang Supremo na bida si Alfred Vargas.
We alk know, by history, kontrbersyal ang ilang pangyayari sa buhay na pinagdaanan ng dalawang katipunerong kapuwa nagmahal sa bayan, sina General Emilio Aguinaldo at Andres Bonifacio.
This controversial event, ay tatalakayin ng dalawang pelikula, pero inaasahang magkakaroon ng bias ang magkabilang panig. Sa El Presidente, tiyak na ipakikita ang kabayanihan ni Emilio Aguinaldo, at sa Ang Supremo, si Andres Bonifacio naman ang gagawing bida.
Sino man sa magkabilang panig ang tatanungin, sinsabi nilang naging matapat sila sa kasaysayan at kung meron mang interpretation, yun ay inaasahan nilang hindi sila lalampas sa boundary ng tunay na pangyayari.
Whatever it is, or however, the events will be interpreted in both movies, asahan na lang nating parehong gusto ng dalawang pelikula na magpakita ng malasakit sa kasaysayan. Alinman sa dalawang pelikula, tiyak na hindi naman magiging tiewali para sirain ang tunay na nilalaman ng ating kasaysayan.
Marami na’ng napakapnood ng Ang Supremo, lahat sila ay nagsasabing maganda ang pagsasapelikula nito.
Marami’ng nasiyahan sa mga naririnig namng kuwento, pero kami mismo, we saw the trailer of El Presidente at kumbinsido kaming maganda namang talaga ang pelikula.
Sana lang yung inabot na malaking gastos ay mag-transform ng kaperahan sa box-office para hindi naman masayang ang effort ng mga taong involved sa paggawa ng monumental epic movie na El Presidente.
By the way, sa December 18 na raw ang premiere night ng pelikula, pagkatapos ng general presscon cum Cristmas party ni Governor ER sa movie press.
Sabi ng kasamang Jobert Sucaldito, walang uuwing luhaan at lahat ay ngingiti sa mga sorpresag bigay ni Governor ER!
Wish ko lang!