Coco Martin pabayang ama?

    177
    0
    SHARE

    SA kabila na pag-iingay ni Katherine Luna muling nakaladkad ang pangalan ni Coco Martin. Tahimik ang kampo niya at wala pa siyang pahayag sa kanyang lovechild na si Nicole sa dating alaga ni Bert Manalo.

    Sa ngayon, palabas ang TV commercial ng aktor. Ang ganda ng istorya, ang iniendorso niyang pagkain ay hinalintulad sa takbo ng kanyang buhay.

    Hindi kaya naging mapakla ang tingin ng mga televiewers, habang sarap ng sarap sa pagkain si Coco e, nagsusumamo naman sa kanyang TV guesting si Katherine.

    Sa huling live guesting ni Luna nagpahayag siya na, "hindi naman niya pinagbabawalan ang kanyang anak na si Nicole na makilala ang kanyang ama. Kahit hirap siya sa buhay, hindi niya ginagamit ang kanyang anak para maghingi ng pinansyal lalo mayaman na siya.

    "Kung magkikita man ni Nicole ang kanyang ama, sapat na ‘yun yakapin lang niya ang kanyang anak," aniya ni Luna

    Totoo nga naman, sa ilang mga teleseryeng nagawa ni Coco, marami na siyang nayakap na artista.

    Pumatak ang kanyang luha na may nakatutok na Tv camera. Hindi nga kinukurot ang kanyang puso sa sinabi ng babaing minsan isang panahon ay kanyang minahal. Sana nga, gumawa siya ng aksiyon na makita niya si Nicole.

    Hmmp, tingnan natin kung maantig di ang puso ni Coco or less… magiging matumal ang pagkain na kanyang iniendorso.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here