Valerie Concepcion malakas kumain kaya tumataba

    201
    0
    SHARE
    Kesehodang lait-laitin daw siya sa ere nmi Wille Revillame, hindi-hindi magdaramdam si Valerie Concepcion dahil di naman daw ito totoo. Recently nga kasi, nagsalita si Wille sa Wowowee na kaya raw tumataba si Valerie ay dahil sa katakawan nilang mag-ina. Na kain daw sila nang kain sa dressing room during the airing of Wowowee.

    “Hindi ko na lang pinansin ‘yun kasi alam ko namang palabiro siya,” sangga pa ni Valerie. “Masasaktan pa ba ako sa ganung mga biro, e hindi naman totoo dahil panay nga ang workout ko ngayon.”

    Valerie hosts the new fitness video released by Viva, “Punch Out,”  the first local boxing instructional video perfect for those who want to exercise at home. Sobrang sexy ni Valerie at talagang di mo iisiping may five-year old daughter na siya.

    Yes, Valerie has a daughter sa pagkadalaga at ito ay si Fiona.

    “Buti na lang naalis ni Dr. Vicki Belo ang stretch marks ko,” sabi niya, referring to Dr. Belo’s Hot Mama campaign which she endorses.

    “Right after I gave birth, talagang nag-boxing ako to lose weight. From 135 lbs, bumalik ako sa dati kong weight na 115 lbs. I stopped when I got busy again sa showbiz. Now, I return to boxing in ‘Punch Out’ and I realized na-miss ko talaga ito.”

    The video is made with the supervision of boxing analyst Mike Ochosa, who owns the Punch Out gym in Salcedo Village, Makati. “Boss Vic del Rosario saw me as commentator sa fight ni Manny Pacquiao and he asked me to do a boxing video as a fitness program,” sabi pa ni Mike.

    “They chose Valerie as the host and she’s perfect as she’s willing to learn and easy to teach. We show the various fundamental stages of boxing here, from footwork, stance, at ‘yung iba’t ibang klase ng suntok like jab, uppercut. We trained Valerie first for one month pati sa punching bag and speedball before we taped the video. You can check us sa web in punchoutboxing club.com.ph.”



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here