“Unsolicited piece of advice”

    622
    0
    SHARE
    Sa bunton ng aking naitagong kopya
    Ng Pampanga News ni Ka Tony Salenga
    Ay napakalinaw nating mababasa,
    Sa ‘Issue No. 21, Volume 5,’ niya;

    Dated as early as twentieth of January,
    In year two thousand five, that income on quarry
    Of the province had not exceeds 10M yearly,
    Based on what is written on the paper clearly.

    Matatandaang sina Mark Lapid at Yeng
    Ang magkatambal sa ‘provincial government’
    As the provincial Dad and Vice Governor then,
    Kaya tayo – bilang kanilang kabalen

    Ay puedeng isipin natin at itanong
    Kung bakit nang sila ang nasa Capitol
    Ay napakaliit lang ng pasok noon
    Ng kita sa quarry (na di gaya ngayon)

    Kung saan ang ‘daily collection’ ay halos
    Million pesos a day based on actual records,
    Kaya’t di malayong grabeng ‘hokus-pokus’
    Ang umiral nang ang ‘father & son’ pa ang Gob.

    Partikular noong si Lito ang siyang
    Pinaka-‘Tatay’ ng ating lalawigan,
    (Na madalang pa sa “kidlat sa tag-araw”
    Kung pumasok kasi laging may ‘shooting’ yan!)

    Kasi ang artista nang panahong iyon,
    Lubhang “mabili” sa anumang okasyon,
    Kaya sa alin mang mga pagtitipon
    Sila palagi ang center of attraction.

    Kaya naman pinagpipyestahan sila
    Ng mga ‘fans’ nilang sobrang magpakita
    Ng pagkahumaling sa katulad nila,
    Kaya’t pati daigdig ng pulitika,

    Naisip pasukin ng nakararami
    Na ang intensyon nga n’yan ay masasabi
    Nating pa-pogi points sa puntong nasabi,
    Kasi nga’y di naman din deserving pati

    Para sa posisyong nais na masungkit,
    Pero ang sarili nila’y pinipilit
    Makatuntong hanggang sa baytang ng Senate,
    Itong sobrang taas r’yan kung managinip

    Tulad halimbawa nitong ‘high school’ lang
    Yata’y di natapos pero nahalal yan
    Sa senado at ang target sa daratal
    Na eleksyon tila ‘City Mayor’ naman?

    Para sa Angeles ang ambisyon ngayon
    Upang palitan ang World Class City Mayor
    Na maituturing na rin nating ‘Icon’
    Sa public service ang naging kontribusyon.

    At kung saan-saang bansa na rin naman
    Naimbita para kanyang madaluhan
    Itong iba’t-ibang pang-internasyunal
    Na conference hinggil sa panunungkulan

    Para i-share ng ating butihing Mayor
    Ang ‘expertise’ niya at views & opinion
    Kabilang na pati ang mas epektibong
    Pakikisama’t public administration.

    Pero ang gaya ba nitong nagnanais
    Na maging city Dad ngayon ng Angeles,
    Hindi sa siya’y atin pong minamaliit
    Pupuede nga kayang kay EdPam ipalit?

    (Makabubuting si Vicky ang piliin
    Kung kay Mayor EdPam ayaw na po natin;
    At bakit di muna natin patapusin
    Si Mayor, last term na niya ang 2016?).

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here