Torpeng naging bully

    423
    0
    SHARE

    Noong Monday (Sept 29), ang episode nina Mark Neumann at Shaira Mae dela Cruz ang mapapanood sa Wattpad Presents ng TV5, ang Mr. Popular Meets Nobody.

    First lead role ito ni Shaira Mae pero si Mark ay naging leading man na ni Alice Dixson sa isang proyekto rin ng TV5.

    “’Yung first namin ni Mark, ’yung Confessions of a Torpe, ’yun po ’yung parang launching namin as a loveteam,” say ni Shaira. Siyempre, sobrang happy raw niya na nabigyan sila ng sariling mini-series. “Masayang-masaya and looking forward na sana masundan pa and thankful sa TV5 kasi pinagkatiwalaan nila kami and ‘yun, inuna kami, parang ganu’n,” say ni Shaira.

    Si Mark naman, after Confessions of a Torpe na torpe ang role niya, dito raw sa Mr. Popular Meets Nobody ay kabaligtaran naman ang papel niya na isang siga. “Malayo po sa personality ko in real life kasi hindi ako siga. Actually, ako ’yung na-bully when I was a kid, pero in this role, ako ’yung nangbu-bully so I had to put extra effort para…(magampanan),” say ni Mark.

    Isang linggong tatakbo ang mini-series nina Mark and Shaira at kasama rin dito sina Lander Vera Perez, Perla Bautista, Diego Loyzaga, Carlos Morales at marami pang iba.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here