Kaibigang traydor di na kinumpronta ni Daniel Padilla

    565
    0
    SHARE

    Bagama’t hindi pinangalanan ni Karla Estrada kung sino, kilalang-kilala nila ang nagtraydor sa anak niyang si Daniel Padilla na nag-post sa internet ng conversation nilang magbabarkada na naglagay sa Teen King sa isang matinding kontrobersiya kamakailan.

    Ayon kay Karla sa kanyang panayam sa Aquino & Abunda Tonight last Friday night, mas matanda raw kay DJ (tawag kay Daniel) ang guy at although hindi close friend, kaibigan daw ito ng young actor way, way back pa.

    Hindi na raw nila kinumpronta ang guy dahil say ni Karla, baka maging “octopus” lang daw siya. Si DJ din daw ay hindi na rin ito hinarap dahil nasasaktan pa raw ang anak. Idinetalye rin ni Karla kung paano nila natukoy ang guy na nag-record ng usapan at nag-upload sa internet.

    Tinanong daw niya ang mga kaibigan ni Daniel na naroroon sa pag-uusap at iisang guy lang daw ang tinuturo ng lahat.

    “Dahil siya lang ang kasalukuyang may hawak ng cell phone habang nag-uusap-usap sila,” kwento ni Karla.

    Nagdi-deny daw ang guy at ang katwiran ay may “something” lang sa telepono na biglang nag-upload na of course ay alam nilang “palusot” lang. Karla also revealed na siya pala ang unang taong kumausap kay Kathryn Bernardo at the height of the controversy at sa kasagsagan din ng bagyong si Mario.

    “Sa kasagsagan ng bagyo, pinuntahan ko siya sa bahay dahil importante sa akin si Kathryn at ang nanay niya.

    Maganda ang pinagsamahan namin, mahal ko sila,” say ni Karla. Ang sinabi raw niya kay Kathryn, “anak, hindi ako nandito para ipilit sa ’yo si DJ pero alam kong mayroong puwang sa puso mo, na kilala mo ang tunay na pagkatao ng anak ko at gusto kong iyon ang makita mo.”

    Tahimik lang daw naman si Kathryn at humingi rin daw siya ng dispensa sa nanay nito. Pinuri nina Boy Abunda and Kris Aquino ang gesture ni Karla na hindi na nagpalipas pa ng araw at pumunta agad nang personal sa mga Bernardos para makipag-usap at humingi ng dispensa sa pagkakamali ng anak.

    Say naman ni Karla, gusto raw niya kasing kapag humarap ang anak niya sa mga ito, at least ay medyo bukas na ang isip ni Kathryn. Ikinatuwa rin ni Karla ang naging paghandle ng anak sa intrigang ito. Matapang nitong hinarap ang problema, inamin ang pagkakamaling ginawa, sincerely apologized at ginawang aral para sa kanyang sarili.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here