Tomboy ba ang other side of Glaiza De Castro?

    3747
    0
    SHARE
    WALANG relasyon sina Glaiza de Castro at Benjamin Alves. Ang common denominator nila ay nang magsama sila sa GMA series na Dading. Pero sa self-produced album ng singer-actress na Synthesis, si Benjamin ang nagbigay ng titulo ng album.

    “Humingi ako sa kanya ng tulong sa mga word na puwede kong gamitin. Other terms for collaboration, fusion, mixture. So, nag-send siya sa akin ng list of words. Literature kasi siya kaya alam kong mabibigyan niya ako ng magandang salita,” pahayag ni Glaiza nang ipa-interview ng GMA sa Runner’s Kitchen kung saan partowner siya.

    Bukod kay Ben, tinutulungan din siya ng ilang showbiz friends na sina Chynna Ortaleza, Alessandra de Rossi at Angelica Panganiban na sinulat ang Barcelona at Waiting Shed.

    “Nu’ng time kasing ’yon, kailangan niya ibuhos ang mga emosyon niyang itinatago. Ganoon talaga siya. Mahilig sumulat,” saad pa niya.

    Hindi naman daw nakikipag-compete si Glaiza sa ibang singers ngayong nailabas na niya ang gusto niyang gawin sa career bukod sa pag-arte.

    “Gusto ko lang talaga siyang i-share. Nai-excite ako sa idea katulad ni Angelica o ni Alex, hindi alam ng tao na kumakanta o nagsusulat ng kanta. There are other sides of them na hindi alam ng tao.

    Through this album, malalaman ng tao ang other side of me,” rason niya.

    Nag-aambisyon din ba siyang mag-concert sa Araneta Coliseum gaya ni Alex Gonzaga?

    “Hahaha! Puwede! Sa ngayon po, hindi ko pa nakikita ang sarili ko na Araneta level! Hahaha! Pang-Philippine Arena po ako, joke! Hahaha!” birong tugon ni Glaiza.

    Matapos ang album, mapapanood si Glaiza sa bagong series ng GMA na The Rich Man’s Daughter.

    Lipstick ang dating niya dahil babae siyang tingnan sa labas, pero may pusong lalaki.

    Diin ni Glaiza sa bagong role, “Hindi ko sila masisisi kung may maglabasang ganoon. Pero secure ako sa sarili ko na babae ako, hahaha!”

    Hindi naman niya itinago na nalungkot siya nang mawala si Marian Rivera sa series.

    Ayon kay Glaiza, si Marian ang nakipaglaban sa kanya upang magsama muli sila sa series after Temptation of Wife at Amaya.

    “Naiintindihan ko si Marian and we will be always here for her and her coming baby,” sabi ni Glaiza sa kaibigan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here