Home Opinion Tinitipid ang para sa mahirap

Tinitipid ang para sa mahirap

409
0
SHARE

TAMA itong NEDA Secretary nating
si Ernesto Pernia sa kanyang sinabing
ang ‘ten thousand pesos’ o halagang dyes mil,
sapat sa ‘family of five for their living’.

Pero ‘yan ay para sa namamalimos
na nakatira sa ilalim ng ‘signboard’
ng Robinson Starmills, dito sa lungsod
nitong San Fernando lang nag-uumikot.

Na araw-araw ay laman ng lansangan
at walang ginawa kundi ang mag-abang
ng pampasaherong dyip na masabitan
para manghingi sa mga nakasakay.

Kung saan ni hindi ‘yan namamasahe
para pumasok sa trabaho ang pobre;
wala silang binabayarang kuryente
at pati kunsumo ng tubig ay libre.

Wala silang bahay na inuupahan,
at mga anak din na pina-paaral,
kaya’t di malayong ‘they even multiply’
kahit pa man sila ay walang ‘fixed income’.

Iyan ang maari nilang pagkasyahin
ang ‘ten thousand pesos’ na pinagmagaling
ni Pernia, na aniya, sapat na gastusin
ng lima katao ‘in a month,’ marahil.

Na direktang ating kay Ginoong Pernia
masasabing kahit ito’y doblihin pa,
‘yan sa ‘cost of living’ ng isang pamilya
na normal ang takbo ng buhay di kasya.

Subukin nga nating magpalit ng puesto
at ikaw ang bigyan ko ng sampung libo
‘in a month and stay’ lang nang nagsosolo
(at libre bahay din) kung mapagkasya mo?

Karamihan kasing nasa katungkulan,
(di ko nilalahat), pare-pareho lang
sila kung magbigay ng pangangailangang
pinansyal ng ating mga mamamayan.

Pero pagdating sa kapakanan nito,
ang piso sa atin katumbas ay libo
kung magtakda para sa naging serbisyo
na nagawa… at tayo ang laging talo.

Sa akala ba ng sa kanya naatas
ang ‘social pension’ ng ‘seniors’ na mahirap,
na ‘Php 500.00 a month’ matatawag
na tulong pinansyal, kundi ng paghamak?

Magkano lang ‘daily’ kung i-’divide’ natin
sa kinyentos pesus? ‘yan kung tutuusin,
wala pa ngang beinte, ang pinag-magaling
na tulong para sa ‘seniors’ na sakitin!

Tinitipid nila ang kuwarta ng bayan
para sa legal na pagkakagastusan,
pero sa personal na pangangailangan
ng mga ‘anak ng tinapa’ okey lang?

Tulad na lang nitong kung sinong ‘Kondesa’
na dating ‘chief of offi ce’ ng Philhealth, di ba
milyones yata ang kuwartang nilaspag niya
na pondong para lang sa maysakit sana?

Na nag-resulta sa kinapos ang badyet
ng Philhealth, at itong ospital at clinic
na apektado sa nangyari ay muntik
nang isuko n’yan ang kanilang ‘membership’?!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here