Sulong Zambales, inilunsad

    850
    0
    SHARE

    IBA, Zambales — Nagkaisa ang ibat-ibang partido pulitikal sa lalawigan ng Zambales nang ilunsad ang Sulong Zambales Party na ginanap sa sports complex dito.

    Ito ang kauna-unahang political party sa lalawigan sa kasaysayan ng pulitika upang paghandaan ang 2013 election.

    Pinangunahan ni Zambales Gov. Hermogenes Ebdane, Jr. ang paglulunsad bilang chairman ng partido kung saan dumalo ang iba’t-ibang mga opisyal ng lalawigan mula sa 13 bayan.

    Ipinakilala din ang mga alkalde, bise alkalde, konsehales at mga miyembro ng sangguniang panlalawigan na karamihan sa mga ito ay pawang mga kasalukuyang (incumbent) namumuno sa bawat bayan at lalawigan.

    Apat sa mga hanay na tatakbong alkalde ang baguhan, ito ay mula sa bayan San Antonio, Botolan, Iba at Candelaria, Zambales.

    Tatlong alkalde naman na hindi kaalyado ni Ebdane sa nagdaang 2010 election ang sumapi sa partido. Ito ay sina incumbent Mayor Generoso Amog ng Palauig, Mayor Ronald Apostol ng Cabangan at dating Mayor ng Castillejos na si Wilma Billman.

    Tatakbo naman sa partido bilang 1st District congressman ng lalawigan si dating Subic Mayor Jeffrey Khonghun at sa 2nd District ang incumbent Congressman Jun Omar Ebdane.

    Kasunod nito, ipinroklama ng gobernador ang mga kandidato ng Sulong Zambales Party sa 2013 election mula sa 13 bayan ng Zambales kabilang na dito ang mga bokal.

    Sinimulang binuo ang partido noong March 2012 at naaprobahan ito noong September 12, 2012 matapos na makumpleto at maisumite ang lahat ng requirements sa Commision on Elections.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here