Star-studded event ang Most Beautiful Stars

    106
    0
    SHARE
    Si Sen. Grace Poe-Llamanzares ang nanguna sa celebrities na dumalo sa 15th anniversary event ng Yes! Magazine. Nanggaling si Sen. Grace sa huling SONA ni Pangulong Noynoy Aquino kaya suot pa rin nito ang simple gown na suot niya sa nasabing okasyon. Dumiretso rin ng Crowne Plaza ang magasawang Rep. Roman at Shalani Soledad- Romulo.

    Namataan din namin doon ang mga top executive ng tatlong major TV networks with their respective stars and talents. Agaw- eksena ang kasuotan at ayos ng comedy queen na si Ai-Ai de las Alas na consistent ang iba’t ibang look kapag ito’y dumadalo sa mga special na okasyon.

    Hosted by concert king Martin Nievera, namataan din namin sa nasabing okasyon sina Willie Revillame, Dennis Trillo, Gladys Reyes, Donita Rose, Sunshine Cruz, James Blanco, ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang couple na sina Diana Zubiri at Andrew Smith, ang new child wonder na si Alonzo Muhlach kasama ang amang si Niño Muhlach, ang child star na si David Remo, Ruru Madrid, Mark Neumann, Bernadette Allyson at napakarami pang iba.

    Ang “Asia’s Got Talent” runner-up na si Gerphil Flores ang umawit bilang pambungad na number ng programa at muli niyang ipinarinig ang winning song na “The Impossible Dream.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here