Richard, umaming iniyakan ang breakup nila ni Dawn

    120
    0
    SHARE
    Hindi rin nasindak si Richard Gomez sa mga maintrigang tanong sa Q and A portion ng presscon. Seryoso kasing tao si Bea. Akala nga niya ay magbe-beg off si Richard na sagutin ang tanong kung nasaktan ba siya nang mag-break sila ni Dawn noon. Pero hindi nangyari ‘yun.

    “Oo naman,” mabilis ding sagot ni Richard. “Umiyak pa nga ako, di ba?” patuloy niya habang nakatingin kay Dawn na katabi din niya nang mga sandaling iyon. “Natural iyon,” patuloy niya.

    Hindi rin na-embarrass si Richard nang tanungin kung ano ang reaction niya sa eksenang hinawakan niya ang kaliwang boobs ni Dawn at ibaba ang kamay sabay turo sa panty nito.

    “Exciting!” anya. “Tingnan n’yo naman si Dawn, napakaganda pa rin niya. Di ba?”

    Richard is also happy dahil, tulad niya, Dawn also found a perfect mate in Cong. Anton Lagdameo at mayroon na ring dalawang anak na ang panganay ay si Jacob, 10 years old at ang babae naman, si Alicia ay 6 years old.

    Dawn also confessed na hanggang ngayon, inilalagay pa rin siya ni Cong. Anton sa pedestal.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here