Bea Alonzo, Zanjo Marudo umaming may problema sa relasyon

    97
    0
    SHARE
    Naging honest si Bea Alonzo sa matindi niyang paghanga kay Richard Gomez sa presscon ng “The Love Affair” na ilang beses nakansel, pero, sa wakas ay natuloy din nitong Lunes ng gabi sa Dolphy Theatre ng ABS-CBN.

    Bea shared her experience with the one and only “Brown Adonis of Philippine Movies” dahil siya ang naging third party sa asawa nitong si Dawn Zulueta (sa pelikula).

    “It’s not every day na magkaroon ng pagkakataon na makasama at maging isa sa dalawang leading ladies ng isang Richard Gomez,” katwiran ni Bea.

    Hindi mabilang ang kissing scenes ni Bea kay Richard, kaya’t tinawag siyang “malandi” ni Dawn.

    “Grabe si Richard, “patuloy ni Bea. “Kung gaano siya ka-intense as an actor sa mga drama at intimate scenes namin, ganun din siya kabilis mag-snap out of his characters pagsigaw ng “cut” ni direk Nuel Naval. Makikita mo siyang back to his very happy self, at pagiging mabiro sa lahat. I’m really amazed sa happy disposition niya. Nahahawa ako sa mga halakhak niya and how I wish na maging ganun din ako. Ang hirap kayang maging masaya lagi. ‘Yung consistent. ‘Yung tuluy-tuloy.”

    Samantala, totoo nga bang may pinagdadaanan si Bea sa relasyon nila ng BF niyang si Zanjoe Marudo? Kahit ilang beses kasing idininay ni Bea at ganun din ni Zanjoe, nitong Martes, sa TV Patrol, at “Aquino and Abunda Tonight,” umamin na si Zanjoe.

    “Hindi lang naman ngayon nangyari ‘yan. Nakabuti ang recent trip namin abroad (London) at nagkausap na kami,” ani Zanjoe.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here