Rocco Nacino gustong maging male version ni Vicky Belo

    101
    0
    SHARE
    Go for it, it’s Heart Evangelista,” ang message ni Lovi Poe kay Rocco Nacino nang malamang may kissing scene ang boyfriend sa best friend niya sa Beautiful Strangers.

    Sa first kissing scene nina Heart at Rocco, wala sa set si Lovi, pero nagbilin na ikuwento sa kanya ni Rocco.

    Sa isa pang kissing scene nila ni Heart, nasa taping din si Lovi at nagtawanan na lang daw silang tatlo.

    Nailang si Rocco sa kissing scene nila ni Heart dahil parang kapatid ang turing niya rito, pero dahil trabaho, kailangan niyang gawin.

    Bida-kontrabida ang role ni Rocco bilang si Noel na mai-involve pareho kina Heart at Lovi at mabubuntis pa nga niya si Lovi rito.

    Looking forward si Rocco na maka-eksena si Christopher de Leon dahil wala pa silang eksenang magkasama.

    Malaking bagay kay Rocco na magkasama sila ni Lovi sa Beautiful Strangers at indie film na Lakambini dahil hindi na sila mahihirapang magkita.

    Pati nga sa pag-alis ni Rocco for Japan sa September 10 para sa isang Jujit-su competition, sasama si Lovi, kaya hindi sila magkakahiwalay.

    Masaya ring ibinalita ni Rocco na may bago siyang business, co-owners na sila ng kanyang kapatid sa Rufo’s Steakhouse sa harap ng GMA-7.

    May two branches na rin siya ng Elorde Gym at may planong magbukas ng skin clinic. Mag-a-undergo siya ng aesthetic training para may alam siya sa papasukang negosyo.

    “Aside from being an actor, aim ko rin na maging male Vicki Belo ng Pilipinas. Pati si Lovi, gustong sumabay mag-undergo ng training sa aesthetic.

    “Natutuwa ako sa kanya dahil may business din siya, she’s one of the owners of Cable Car Resto & Bar sa The Fort. Masaya lang kami sa relasyon namin, ini-enjoy at walang pressure,” pahayag ni Rocco.

    Sa August 10 ang pilot ng Beautiful Strangers sa direction ni Albert Langitan at kung saan, sabi nga ni Rocco, matitindi ang mga eksena gabi-gabi.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here