Shaina Magdayao malaking artista na, tunay na aktres pa

    516
    0
    SHARE
    Nagdilang-angel si Mother Lily nang sabihin niyang “Shaina has arrived!” na ang tinutukoy ay ang feedbacks sa shooting ng Shake Rattle and Roll X11 episode na “Mamam-nyiika” na title role si Shaina Magdayao.

    Nang makarating sa kanya na extended hanggang January ang TV series nitong Alyna, sobrang saya ng lady producer.

    “I knew it! She really has the making of a movie queen. Kaya nga lagi ko siyang kinukuha sa mga pelikula ko, lalo na kung pang-Metro Manila Film Festival,” pagmamalaki ni Mother Lily.
     

    Totoong kahit wala pang Alyna si Shaina noon, bukambibig na ni Mother ang pangalan ng dalaga.

    Sa ganang akin, nakatulong nang husto sa younger sister ni Vina Morales ang relasyon niya kay John Lloyd Cruz, kasama ang mga problemang naranasan niyang nagpasakit ng kanyang damdamin.

    Iyon lang talaga ang kailangan ni Shaina, isang matinding sakit ng loob para mailabas ang natatagong talento sa pag-arte. Kung nararamdaman na ito sa TV series, sampung beses marahil, (yes po, 10 times) na pahahangain ni Shaina ang kanyang fans, na tulad ni Mother, naniniwalang  dumating na nga ang tamang panahon para kay Shaina.

    “Marami siyang pakakainin ng alikabok. Kumbaga sa sasakyan, hinay-hinay lang ang kanyang takbo. Nang makabuwelo, umarangkada naman nang todo-todo,” say ng Regal matriarch, sabay dugtong ng, “once an actress, always an actress.”

    Pansamantala kasing nakaligtaan ni Shaina na hasain ang talento, tulad noong baby pa siya na isang potential child superstar na siya.

    Nagkatotoo sa kanya ang kasabihang nakakaagaw ng pansin ang napakaganda at napakaamo niyang mukha sa tuluyan niyang pagsikat.

    Na-spoil din kasi siya ng kanya pamilya kasi being the baby of her family didn’t help her much in honing her potentials.

    But that’s a thing of the past. Mahirap ding magkaroon ng isang karelasyon na tulad ni JLC. Kilalang mahusay  na aktor at nagbibilang ng Best Actor award sa TV at pelikula. Malaking hamon si Lloydie para kay Shaina.

    “You should see Shaina sa may “Mamam-nyiika.” Takot na takot siya at hindi basta-basta arte lang ang ginawa niya. Kasi, I learned later na takot na takot na pala siya sa mga multo. Pero tinanggap niya ang role. Ang pinatunayan niya sa horror movie ko ay professionalism. I want to give her another movie which will really showcase her acting talent to the fullest,” kuwento pa ni Mother.

    Incidentally, kasama rin ni Shaina sina Andi Eigenman at Carla Abellana sa Shake, Rattle and Roll X11, na may kani-kanilang episode.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here