Home Headlines Kontribusyon, benepisyo sa SSS pwede nang iproseso ng 10 kooperatiba sa Bulacan 

Kontribusyon, benepisyo sa SSS pwede nang iproseso ng 10 kooperatiba sa Bulacan 

97
0
SHARE
Pwede nang magbayad ng kontribusyon o magproseso para sa benepisyo sa Social Security System sa 10 kooperatiba sa Bulacan. Pinakabago rito ang Gabay Kaunlaran ng Bulacan Multipurpose Cooperative na nakabase sa barangay San Vicente sa bayan ng Santa Maria. (Shane F. Velasco/PIA 3)

SANTA MARIA, Bulacan (PIA) — Pwede nang magbayad ng kontribusyon o magproseso para sa benepisyo sa Social Security System (SSS) sa 10 kooperatiba sa Bulacan.

Pinakabago rito ang Gabay Kaunlaran ng Bulacan Multipurpose Cooperative (MPC) na nakabase sa barangay San Vicente sa bayan ng Santa Maria.

Ayon kay SSS Vice President for Luzon Central 2 Gloria Corazon Andrada, sumasalamin ito sa katatagan ng pagiging Cooperative Capital ng Bulacan.

Pangunahing kwalipikasyon para maging katuwang ng SSS ang isang kooperatiba, kinakailangang regular itong naghuhulog ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado at nababantayan na nakakapaghulog din ang mga kasapi nito.

Halimbawa na rito ang nasa 161, 170 na mga kasapi sa mga kooperatibang katuwang na ng SSS.

Kabilang na riyan ang San Jose Del Monte Savings and Credit Cooperative, Sta. Cruz Savings and Credit Cooperative, Manatal MPC, Sacred Heart Credit and Development Cooperative, Ligas Kooperativa ng Bayan sa Pagpapaunlad, St. Martin of Tours Credit and Development Cooperative, San Lorenzo MPC, Kapit Bisig sa Pag-unlad MPC, at ang San Pedro Alcantara Kilusang Bayan sa Pananalapi.

Pawang mga rehistrado sila sa Cooperative Development Authority. (CLJD/SFV, PIA Region 3-Bulacan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here