Home Headlines Santacruzan patuloy sa Bataan

Santacruzan patuloy sa Bataan

389
0
SHARE

SAMAL, Bataan: Patuloy ang pagdaraos ng Santacruzan sa Bataan tulad na lamang sa Barangay Sta. Lucia sa bayang ito  nitong Linggo. 

Matalim  ang sikat ng araw bagama’t hapon na ngunit hindi ito alintana ng mga batang sagala ganoon din ang ibang mga kalahok na  dalaga at  dalagita at Reyna Elena  na masasaya at palangiti. 

Nasa isang karo na napapalamuitan ng mga bulaklak  ang isang maliit na krus na tampok sa Santacruzan. 

Upang maibsan ng init, panay ang paypay ng mga kaanak sa bawat sagala na suot ang naggagandahan at mahahabang mga  gown.

Panay naman ang malakas na tugtugin mula sa sound system ng mga sasakyan na may kasunod na mga babae at lalake na walang hinto sa yugyugan.

Umikot ang Santacruzan sa lahat ng sityo ng Samal at ilang karatig na barangay.

Punong abala sa Santacruzan si Aida Siasat, butihing maybahay ng namayapang World War II veteran Luis Siasat.(30)

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here