Sanggol ginilitan, ina kalaboso

    245
    0
    SHARE

    MALOLOS CITY—Kalaboso ang binagsakan ng isang 20-anyos na ina matapos mamatay ang 18-araw na sanggol na ginilitan niya ng leeg sa bayan ng Plaridel, Bulacan.

    Ang biktima na nakilalang si Jerryson Balita ay namatay noong Setyembre 27 at inilibing noong Sabado ng umaga.

    Ang suspek naman ay nakilala na si Rubie Ann Luminate, 20, ng Barangay Parulan, sa bayan ng Plaridel. Si Luminate ang ina ng biktima.

    Ayon sa kaanak, ang biktima ay isinilang na may bingot noong Setyembre 9.

    Ngunit hindi ito matanggap ng ina kaya’t halos dalawang araw pa lamang ay tinangka na itong patayin ng ina sa pamamagitan ng pagsaksak ng gunting sa dibdib ng sanggol.

    Naisugod sa opistal ang sanggol at nakaligtas, ngunit noong Setyembte 14 ay muli itong isinugod sa ospital matapos laslasin ng ina ang leeg.

    Ayon sa isang 16-anyos na, pinsan ng sanggol, nagulat sila ng bigla na lamang umiyak ang sanggol at nang kanilang tingnan ay duguan ito.

    Agad na isinugod sa Bulacan Medical Center ang sanggol ngunit matapos ang 13 araw ay tuluyan na itong pumanaw.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here