ay di parang pamamasyal sa Luneta,
Kundi sukatan ng ‘performance’ talaga
at kung ano na ang nagawa kumbaga
Sa naging tungkulin na siyang batayan
kung karapat-dapat pang pagtiwalaan,
Yan sa sarili niya higit kaninuman
siya itong lubos na nakakaalam
At ang taongbayan di rin naman bulag
upang di mabatid kung sino ang dapat
iluklok sa puesto at ibigay lahat
ang tangkilik nila pagdating ng oras.
Siya na rin naman mismo sa sariling bibig
ng kagalang-galang na Senador Lapid,
Na mahirap kalabanin ang ‘incumbent,’
pero ang tigas pa rin ng pananalig
Na makakaya niyang talunin si EdPam
at si Cabigting sa matinding labanan,
Bunsod umano ng ‘track record’ yata n’yan
na aywan kung ‘validated’ ang mga yan.
Ang tanging alam ko na kahangahanga
at super talaga na kanyang nagawa
ay nang isabit ang sarili ni Kaka
sa ‘helicopter’ na noon gumagala
Sa papawirin ng bayan ng Bacolor
habang kasagsagan ng pagputok noon
ng Mt. Pinatubo, at ang Gobernador
ay walang humpay sa kanyang pag-monitor.
Pero kung anila ang ‘quarry operations’
ay naging maganda ang sistema noon,
Ano’t di milyones na kagaya ngayon
ang kuwartang pumasok diyan sa Capitol?
Di ko sinasabing ibinulsa niya,
pero lubha naman ding katakataka
na ang ‘one day collection’ ni Gob Pineda
ay katumbas na ng ‘one week’ noong siya?
Anong reporma ang ninanais gawin
ni Lapid sakaling siya ay palaring
mapabagsak sina EdPam at Cabigting,
kundi ng kung anong luma ng tugtugin?
Na kung saan siya nahirating tunay
at gaya ng dati niyang nakasanayan,
na madalang pa sa kidlat sa tag-araw
kung pumasok siya sa kanyang tanggapan.
At kahit ano pa mang naipangako
ay palagi na lamang ding napapako;
Dala na rin nitong mahusay manuyo,
pero pagkatapos bale wala na po.
Ipagpapalit ba ng taga Angeles
kay Lapid – na kaya lang naging ‘resident’
ng siyudad dahil sa Mansion na milyones
ang presyo ng dito nabiling ‘properties?’
Kung aniya ay para lang makapaglingkod
sa mamamayan ng maunlad na lungsod
ng Angeles, bakit di sa Porac lubos
ibigay ang kaya niyang maipaglingkod?
At di kaya kagaya niyang parang nangangaso
ang ating Senador sa kanyang estilo
na palipat-lipat sa pagkandidato
para lamang manatiling nasa puwesto?!