Rufa Mae Quinto rumesbak na kay Vicki Belo

    231
    0
    SHARE
    Nagbigay na ng pahayag si Rufa Mae Quinto sa intriga ni Vicki Belo na siya man daw ay nagging ka-fling ni Hayden Koh.

    Kung tutuusin, damaging ang walang basehang intriga ni Vicki Belo at talagang tama lang na hindi ipagwalang-bahala ng kampo Rufa Mae.

    Sa Showbiz Natin Ngayon, nagsalita si Rufa Mae sa isang telephone patch at sinabi niyang napanood daw niya’ng intriga ni Vicki Belo sa isang talkshow kamakailan.

    “Hindi nila sinabi sa aking guest siya,”sabi pa ni Rufa Mae sa isang bahagi ng kanyang statement. Ibig sabihin ng alaga ni Boy Abunda, kahit nasa USA para sa seruies of shows kasama sina K Brosas at Pooh, marapat lang na sabihan naman siya na guest pala si Vicki sa kanilang show na Showbiz Central bilang respeto sa kanya.

    Sinabi rin ni Rufa Mae na hindi naman siya masyadong nabahala sa ikinulapol sa kanya dahil alam naman daw ng publiko na luma yun at matagal na.

    “Kailan paba ‘yun, 2008 pa, anong petsa na ngayon, wala na yan,”sabi pa nito.

    Higit daw siyang nababahala sa intriga ni Vicki Belo sa kanyang manager na si Boy Abunda at dahil dito, nagsalita si Rufa Mae na sana ay maging matatag si Boy abunda habang hinaharap ang intriga. Doblehin daw sana ni Boy ang kanyang lakas para malampasan niya’ng lahat.

    “Mahal ko yan, lagi akong nasa likod niya, dagdagan mo ang iyong strength,” pampalakas-loob na salita pa ni Rufa Mae.

    After Rufa Mae’s statement, ipinaliwang naman ni Boy na tapos na yun sa kanya. Nag-text daw sa kanya si Hayden Koh and debied Vicki Belo’s statement na nagging ka-on niya si Rufa Mae. Nagtataka raw si Hayden kung saan galing ang isyu. “Sabi niya sa akin, sorry daw, ano raw ba’ng puwede niyang gawin para mapatawad ko lang si Vicki . Sabi ko naman, tapos na, let us all move on, nag-apologize na sa akin si Vicki Belo kaya tapos na.”

    So there!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here