Nami-miss na ni Valerie Concepcion si Willie Revillame

    271
    0
    SHARE
    May bagong product endorsement si Valerie Concepcion. Kamakailan lang ay pumirma siya ng endorsement contract sa UK  Derm Pharma para sa Erase Solution, Erase Placenta Exfoliating soap at Erase herbal Placenta.

    Dala-dala ang Erase Solution, Erase Placenta Expoliating soap at Erase Herbal Placenta, nagpunta sa iba’t  ibang malls sa Cebu City si Valerie last February 15.

    Binulabog niya ang libu-libong fans  na dumumog sa mga mall para lang masilayan nila ang hinahangaang si Valerie. Tuwang-tuwa ang mga taga-Cebu sa mga pakulo at programang inihanda ng mga taga-Erase para sa publiko.

    Ang Erase Solution ay ang nag-iisang produkto sa mga merkado na  nagbibigay-solusyon o nagpapahilom sa stretch marks at iba pang problema sa balat.

    Samantalang ang Erase Exfoliating soap ay may micro peeling effect na tinambalan pa ng Erase herbal Placenta na nagbibigay ng kutis-artista tulad ni Valerie.

    For more inquiries on the products of UK Derm Pharma visit www. ukderm.com

    Samantala, lungkot na lungkot si Valerie sa pagkakaospital ni Willie Revillame dahil sa sakit sa puso. Nang makausap namin siya, miss na miss na raw niya ang host ng Wowowee. Sa ngayon kasi ay iba-ibang co-host ang nakakasama ni Valerie sa Wowowee. Dasal pa pa niya na gumaling kaagad si Willie at nang muli raw niyang makasama sa pagho-host.

    “Kaya dapat ay inii-ngatan natin ang ating puso. Magagawa ito sa proper diet at regular exercise,” payo ni Valerie na ang isa sa mga iniindorsong produkto ay may kinalaman sa pagpapanatiling fit ng katawan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here