HINDI PA man umapaw sa tubig baha
ang Pampanga river, sa dakong kaliwa
nito na tapos na ang parteng malabsa
na ni-’riprap’ pero ya’y biglang nagiba.
‘Yan ay ang karugtong ng kasalukuyang
pinagagawa ni 4th District Congressman
Rimpy P. Bondoc d’yan sa dakong silangan
ng San Simon, na nawasak kamakailan.
Batay sa sariling nating obserbasyon
sa ‘on-going project’ ng butihing solon,
hindi siya kundi tanging ang contractor
ang dapat managot sa tumaob na ‘yon;
Kasi, ‘in naked eye’ madaling makita
ng kahit sinuman ang naging abirya
kung bakit bumigay at nawasak basta
ang ‘riprap’ dahil lang sa ulan anila.
Napakalinaw na lahat ng ginamit
na ‘steel bar’ at iba pang materyales
ay ‘sub-standard’ at yapy tila may bahid
nang pagiging tuso ng kabilang panig.
Mahahalata sa nabuwal na ‘riprap’
na mahina itong pinaghalong sangkap
na buhangin lang at sementong ‘low class’
ang ginamit kaya madaling natibag.
Personal na ating tiningnang mabuti
ang gumuhong ‘riprap’ kaya’t masasabi
nating ang kongkreto na nalasog pati
kasing tigas nga lang ‘hallow block’ kasi.
Na napakadaling mabasag kung kaya
ang nasabing ‘riprap’ ay bumigay bigla
at sa ilog lahat itong bagong gawa
na proteksyon nito ang gumuhong kusa.
At nilamon lang ng ilog sa isang iglap
ang para sa taga San Simon at lahat,
partikular ng Sta. Cruz, San Nicolas
na siyang sa nangyari papasan sa bigat.
Sa puntong naturan humigit-kumulang
ay bukod tanging ang kontratista lamang
ng naturang ‘project’ ang kinakailangang
husgahan marahil ng ating Congressman.
Dala nitong ang pagka-iresponsable
ng una, at kulang ang pagtutok pati
sa mga tao niya, kung kaya nangyari
ang ganitong klase r’yan ng insidente.
Liban sa posibleng di lang ‘substandard’
ang bakal at ibang ‘construction materials’
na ginamit n’yan sa ginawang pag-’riprap,’
kundi tinipid din n’yan ang lahat-lahat.
Sa isang banda ay hindi ang gobyerno
ang sa nangyaring yan ang ika nga’y talo,
kundi ang ‘contractor’ na nagtipid husto
para kumita ng malaki siguro.
Pero di sa tayo ay nagmamarunong,
kulang pa sa ‘experience’ itong ‘contractor’
sa diskarte at yan ay kung papanong
mapatatag n’yan ang nasabing konstruksyon.
At kung saan imbes siya ay kumita
di malayong baka ya’y mangulugi pa
sa dami ng kanyang itinapong pera
sanhi ng palpak na malaking kontrata!