Home Headlines Manibela nagprotesta para alisin ang buwis sa krudo

Manibela nagprotesta para alisin ang buwis sa krudo

213
0
SHARE
Ang ilang miyembro ng Manibela Malolos Chapter na hiling kay PBBM na alisin na ang excuse tax sa krudo. Kuha ni Rommel Ramos 

LUNGSOD NG MALOLOS — Nagsagawa ng silent protest ngayong araw, Abril 16, ang ilang miyembro ng grupong Manibela sa gitna ng krisis sa petrolyo.

Ayon kay Edgardo Franco, Manibela Malolos Chapter president, dalawang araw silang magsasagawa ng silent protest para paalalahanan ang publiko para sa kanilang panawagan na gumawa ng hakbang ang gobyerno na pababain ang presyo ng krudo.

Ani Franco, wala namang epekto ang nakaraang big-time rollback na tumagal lang ng isang araw ay muli na namang tumaas ang presyo ng krudo na gaya sa isang gasolinahan sa Malolos na mula P134 ay bumaba sa P116 ngunit muling ibinalik sa P127 kada litro.

Nilinaw niya na hindi nila hiling na pataasin ang pamasahe dahil marami dito ang maapektuhan at ang hiling nila ay gawan ng paraan ng pamahalaan na mapababa ang presyo ng krudo gaya ng pagsususpinde ng excise tax.

May kapangyarihan na aniya ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspendihin ito pero natatagalan sila sa hakbang ng pamahalaan gayong immediately executory ang special power na ibinigay ng Kongreso dito.

Ayon pa kay Franco, nasa 50% hanggang 60% na nga ang hindi namamasada sa kanilang hanay dahil hindi na nila kaya ang mataas na presyo ng krudo. Nasa 30% na lang ng dati nilang kita ang naiuuwi nila ngayon sa sobrang taas ng krudo.

Ang grupong Manibela sa Malolos ay patuloy na magsasagawa ng kanilang protesta hanggang bukas.

Ani Franco, nasa mahigit 1,000 ang miyembro ng grupong Manibela ang nasa Bulacan.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here