Retired US Marine hinoldap

    305
    0
    SHARE

    SAN MARCELINO, Zambales — Isang retiradong US Marine ang hinoldap ng di pa kilalang riding-in-tandem sa Barangay Linasin, sa bayang ito.

    Kinilala ng pulisya ang biktimang si James Barton, 72, residente ng Barangay San Esteban, San Antonio, Zambales.

    Sa imbestigasyon ng pulisya papauwi na ang biktima sakay ng kanyang Mitsubishi Montero na may plakang RKU-679 at pagsapit sa nasabing lugar nakita niya ang isang lalaki ang nakatihaya sa kalsada katabi ang kanyang motorsiklo.

    Sa pag-aakalang ito ay isang aksidente, bumaba ang biktima para tumulong subalit biglang sumulpot ang isa pang suspek at tinutukan ito ng baril at nagdeklara ng holdap.

    Natangay ng mga holdaper sa biktima ang isang wedding ring, Rolex watch at cash money na nagkakahalaga ng P30,000.

    Patuloy namang nagsasagawa ng follow-up operation ang San Marcelino Police Station sa pagkakakilanlan sa mga suspek.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here